Denise POV
Nakakahiya na sinundo pa ko ni Sir. Ano bang problema nya? Inaaway nya ko. Tapos ngayon ambait bait nya.
Actually nagdadalawang isip ako tanggapin ang offer nya.
Bumalik ako sa Davis Devt Corp kapalit nun tutulungan nya si Zic. Ibabalik nya lahat ng kinuha nya dito.Gustong gusto ko matulungan si Zic at si Sir lang ang nakikita kong madaling sagot para dito. Alam ko magagalit si Zic kaya hindi nya pwedeng malaman. Pero para sa kanya kaya ko lunukin ang pride ko.
Ang awkward lang na hanggang sa loob ng kotse hindi kami nag-iimikan. Haayyyyy
"ayos ka lang ba?" tanong nito sakin.
"ahmm oo naman po" naiilang na sagot ko.
Nang makarating na sa building sabay pa din kaming pumasok. Ihhhh gusto ko mauna pero walang pagkakataon.
Pagdating sa floor. Nahihiya akooooo. Matapos ko awayin si Sir andito ulit ako.
Papasok pa lang ng pinto. Nakatingin na lahat sakin. Nakita ko agad ang malaking ngiti nila TK.
"everyone.. From now on, andito na ulit si Ms. Ventura. Please be nice to her" seryosong sabi nito. Umalis din ito kaagad at bumalik sa opisina nya. Totoo ba? Parang nagbago ihip ng hangin.
"naks naman! Ano meron ha?! Bakit sabay pa kayo ni Sir pumasok" si Sam.
"uyyyy dont tell me may something sa inyo. Napakatinik mo naman girl pag si Sir ang nabingwit mo" si Mia.
"mga sira. Nag usap na kami ni Sir. ok na kami" sabi ko sa mga ito pero parang nakakaloko ang mga ngiti nila.
Natapos din agad ang araw. Natambak pala yung mga trabaho ko dahil di agad nakahanap ng kapalit. Nagkayayaan pang kumain sa labas. Sagot ni Sir. Nakakatuwa lang na hindi nya na ko sinusungitan.
"ang tibay mo din talaga noh. Ikaw tong matapang na umalis tapos ngayon andito ka ulit" si Ms. Allison. Hindi ko sya pinansin. Pero makulit talaga sya.
"Wag mong isiping dumating ka kaya nagcecelebrate. Hiniling lang talaga yun ng empleyado kay Sir Davis."
si Ms. Allison. Hindi ko alam bakit hanggang ngayon mainit pa din dugo nya sakin.Nang makarating kami sa buffet. Kanya kanya kaming pwesto kasama ko sa table sila Mia. Yeyyyy..
Agad kaming kumain hahahaha saya saya naman. Ilang beses ko nahuhuli si Sir na nakatingin sakin pero di ko na lang pinapansin. Eto na naman ako sa pagiging assuming ko. Namimili ako ng bigla itong lumapit sakin. Nagulat ako.
"what do you want Ms. Ventura?" tanong nito habang pinapapili ako ng pagkain.
"p..po? ahmm.. ako na lang po sir" sabi ko.
Nagulat ako na nilagyan nya ng buttered shrimp yung pinggan ko.
"ayan favorite mo yan di ba?" sabi nya. Nagtataka naman sila Sam sa kinikilos ni Sir. As in.. Sino ako para pagserve nya ng food eh andami namin bakit ako?
"s..sir hindi po ako mahilig sa hipon hehe" bahagyang kumunot ang noo nya. Nagtaka sya sa sinabi ko.
"Ahmm hindi ba't gusto mo yan?" umiling lang ako. Hahaha di ako mahilig sa hipon. Oyster at crab ang gusto ko.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...