Denise POV
Pumunta ako ng CR at dun umiyak. Grabe.. Napahiya ako. nakatingin ang lahat sakin habang sinisigawan ni Sir. Kasalanan ko naman ang tanga tanga ko.
Napaso ang braso ko dahil mainit talaga yung kape. Napakadumi ng damit ko. Panong gagawin ko?
Naisip ko sya. Baka napaso din sya sigurado.
Inayos ko na ang sarili ko at bumalik na sa stockroom. Nakakainis. Pano ako makakagawa ng trabaho ng maayos dito.
Napatingin ako sa opisina ni Sir. Tanaw lang kasi yun kahit nasa dulo ako. Nahuli ko syang nakatingin sakin. Isang masamang tingin haysss.
Agad ko inalis ang tingin ko sa kanya. Pero sa totoo lang, bakit lagi ako nakakaramdam na parang may nakatingin sakin?
Kahit sa paglalakad pauwi. Para bang may nakasunod sakin.
Kinusot ko ang buhok ko. Wag ka assuming Denise. Kaya ka napapahamak eh!
"anong nangyari sayo? Bakit napakadumi ng damit mo" si TK.
"ahh wala to ok lang ako" sabi ko.
"kitang kita ang mantsa" kinuha nya yung jacket nya at sinuot yun sakin. Para akong batang sinusuotan nya. "napakasungit ng boss natin na yan. Pag di ako nakatimpi masasagot ko sya" sabi nya. Napangiti ako.
Bukod kay Zic, andyan si TK na lagi ako tinutulungan. Napakabuti nyang kaibigan sakin.
Ms. Ventura!
Ms Ventura!!
"Denise! Tawag ka ni Sir" si Argel.
Hindi man lang namin napansin na nakalapit na samin ni TK si Sir Ciro.
"nasa trabaho kayo, hindi to oras ng landian" seryosong sabi nya.
"hindi kami naglalandian" si TK. Seryoso din ito at mukhang sasagutin nya si Sir.
"ganyan ba ang tamang pagsagot sa boss mo?" si Sir. Naku pooo
Umakma si Tk na lalapit kay Sir Ciro pero hinarangan ko na.
"ahmmm.. S..sorry po sir baka namimisinterpret nyo lang. Magkaibigan lang po kami" singit ko sa kanilang dalawa.
"Ms. Ventura sabihin mo sa kaibigan mo na hindi ko gusto ang inaasal nya"
"o..opo sir.. Mabait po sya"
Nararamdaman kong nagtitimpi si Tk.Hinatak ko na si TK para malayo kami kay Sir pero pakiramdam ko parang lalo syang nagagalit pag nilalapitan ko ito.
"M..Ms. Ventura" sabi nito. "follow me"
Eh?
Nagtataka ako pero sumunod ako sa kanya at iniwan si TK.
~~~~~~~~❤~~~~~~~~~
Ciro POV
"kunin mo yung mga folders sa table ko. May meeting ako with qurch group. Kailangan ang mga iyon" nagtataka sya pero agad nya pa ding kinuha ang mga sinabi ko at nagmamadaling sumunod ulit sakin hanggang paglabas ng bldg.
Pinasunod ko sya kahit sa totoo'y wala naman yun sa plano.
Nagtataka sya. Pwede ko naman kasi talaga isabay na yun pero iniwan ko pa. At hindi dapat sya ang inuutusan ko nun. Sekretarya ko dapat ang gumagawa nun.
Napikon lang talaga ako nang makitang nilalapitan sya ng lalaking yun! Ano ba sila?
Iba ka Denise! Lagi mo kong pinag-iisip.
Napakadami ng folders na bitbit nya. Hindi sya magkandaugaga sa paghawak ng mga ito. Hindi ko talaga sya tinutulungan. Tss.
"Pakisunod na lang" sabi ko. Agad na ko sumakay ng sasakyan.
"sir?" nagtatakang tanong nya. Hindi ko kasi sya pinapasakay ng kotse ko.
"icommute mo yan"
"pero sir? Ang hirap pong icommute nit-------" hindi na natapos ang sasabihin nya dahil pinaandar ko agad ang sasakyan.
Bahala syang mahirapang magbitbit nun.
~~~~~~~~~❤~~~~~~~~~
Allison POV
(Ventura Mansion)
"ma.. Tignan mo" tawag ko dito.
"ano yan?" sabi ni mama sakin. May nagpadala na naman sakin ng isang set ng jewelry from Hashna Accesories. Sobrang mahal ng mga alahas sa store na yun. Hindi din ito fake. Sigurado ako, marunong akong tumingin ng fake o hindi.
"grabe napakaganda ng mga yan? May bago ka na namang manliligaw?" si mama.
May note dun..
A gift to a beautiful lady like you
From Ciro..
Huh?
Sino sya??"h..hindi ko sya kilala ma.. Hindi ko pa nakikilala ang taong yan" sabi ko dito.
Nagtataka ako. Sino ang taong yan? Hindi ko sya maalala. Tss. Inabot ko kay mama ang jewelry na yun. Wala akong pakielam kung sino sya. Baka pangit sya noh, wag na lang.
"oh sayo na lang" sabi ko.
"wow akin na talaga to. Grabe anak ang ganda gustong gusto ko"
Uhhhh uhhhhh
Napatingin kaming dalawa kay daddy. Nag-iingay na naman sya. Haysssss.. Napakapasanin nya nakakainis. Nalaglag kasi yung kutsara sa sahig at di nya makuha.
"ayusin mo nga yang si tanda" inis na sabi ko.
Nastroke si daddy nung nalaman nyang nawawala si Denise. Inatake sya sa puso at hanggang ngayon di pa nakakarecover. Palala pa nga ng palala. Hindi na lang mamatay yang matandang yan. Napakamahal ng gamot nya. Napupunta lang lahat sa gamot nya ang pera namin. Hayssss.
Napakawalang kwentang matanda.
Nalaman namin ni mama na lahat ng ari arian nya kay Denise nya ipapamana. Kahit patay na ang babaeng yun. Ayaw nya tumigil at umaasang buhay ito.
Hindi ako papayag na sa babae lang na yun mapunta ang mga ari-arian ni dad. Hindi yun mangyayari.
Pinapahanap nya si Denise pero hanggang ngayon wala pang balita dito. Hinaharangan din namin ni mama ang mga tauhan nya.
Kailangang malipat sakin ang mana bago mawala ang matandang yun.
~~~~~~❤~~~~~~
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Любовные романы"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...