Zic POVBuong araw ko kasama si Denise. Grabe.. Sobrang kulit pala nya hahaha.
I'm starting to like her. Kaya pala bilis nainlove ng pinsan ko.
Pero malas nya. Ako ang gusto ng mahal nya at hindi ako makapag-antay makita ang reaksyon nya pag nalaman nya ang totoo.Kumain kami sa labas. Natatawa ako kay Denise. Grabe sobrang kulit nya.
Napakadaldal.Sumayaw sya sa dance revo. Ang galing nya nakikipagshowdown sya dun eh hahaha todo bigay.
------------------
Denise POV
Kinabukasan..
(school)
Inaayos ko yung phone ko. Ayaw bumukas hmpp.. Anyare dito?
Nakita kong papunta sakin si Migo. Halaaaaa naalala ko kagabi. Sabog inbox ko sa kanya. Kailangan may gawin ako. Kunwari di ko sya nakita.
Baka magalit sya sakin dahil di ako nagpaalam kagabi."oh ano nangyari sayo? Bakit di ka sumabay sakin kagabi?" seryosong sabi nya. Nakakunot ang noo nya at parang mananapak anytime Huhu kakatakot.
"a..ano kasi.. S..Sorry.. Nasira phone ko. Hindi kita natext sorry talaga" palusot ko. Nawala ang pagkakunot ng noo nya.
"ganun ba? Patingin nga.." Kinuha nya yung phone ko at tinignan yun. Haysss buti nawala agad galit nya.
"susunod magpapaalam ka ha.."Chineck nya at hinahanapan nya nang sira. Nakikisilip din ako habang kinakalikot nya.
Hmmm..
"gusto mo palitan na lang natin to?" sabi nya habang inaayos yun.
Hindi ko napansin na napapalapit na pala yung mukha ko sa kanya.Techinician ba tong lalaking to?
*tingin * tingin * tingin
Napatigil sya at biglang tumingin sakin. Nagtama ang paningin namin. Anlapit ng mukha namin sa isa't isa. DFQ!
Bigla nya kong hinalikan at ngumiti.
Dugdug. Dugdug.
Napakaganda ng ngiting yun.
Bakit ako kinakabahan ??
Kinusot nya yung buhok ko tapos inakbayan habang inaayos phone ko. Halaaaa. Di ako makagalaw. Napakalapit namin sa isa't isa.
Buti na lang walang nakakakita samin dito. Maaga pa at wala pang masyadong tao.Binalik nya yung phone ko.
"halaaa ang galing mo bumukas na sya!" masayang sabi ko. "sorry ha.. Wala pa kasi si daddy, pag-uwi nya magpapabili ako"
"haha ako nabibili ng phone mo" tumayo sya at kinuha yung kamay ko. "tara akyat na tayo" sabi nya.
Sabay kaming naglakad at..
Grabe hinahalikan nya yung kamay ko. Seryoso ba? Inlove na ba talaga sakin si Migo. Ang dali naman palang painlovein nito. Thank you haha de joke lang.Wala pa kasi syang nagiging gf. Tingin nga namin walang lovelife to eh. Pero daming may crush sa kanya. Yun nga lang suplado kasi kaya matuturn off ka din. Di naman inaano laging galit. Pero hindi na sya ganun kasungit ngayon.
Pero sa totoo lang.. Nagsisimula na ko makonsensya.
Ang bait nya at sobrang maalaga sakin. Parang ayoko nang saktan sya gaya ng gusto ni Zic."mamaya ha.." nakangiting sabi nya. Hinalikan nyang muli yung kamay ko bago umalis. Iniwan nya na ko. At naglakad na.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...