Denise POV
Walangya. Anong problema ng bago naming manager?? Anong pinagsasabi nya?!
At nagulat ako sa sinabi ni Sir Ciro? Gusto nya ko paalisin dito? Bakit ba gustong gusto nila akong pagtulungan.
Mapabahay, mapatrabaho andaming problema!"uy ang bait ng bago nating manager noh ang ganda pa" si Sam.
"oo nga, ang sexy pa kamo lagi nga akong nakatingin sa pwet eh" si Argel.
"anong mabait? Hindi sya mabait noh maldita nga yun. Kayo.. Nalibre lang kayo naniniwala naman kayo sa kanya.Mamaya nadasalan nya yung mga pakain nya sainyo" sagot ko.
"ay naku Denise, insecure ka lang ata kasi hindi ikaw naging manager" si Rein. Natahimik kami lahat nung sumingit sya.
"Hindi ako insecure tanggap ko kung ano lang ako sa kumpanyang to. Baka ikaw??" sabi ko.
"hoy, di ako kagaya mo na assuming noh. Kitang kita naman kahapon na disappointed ka kawawa ka naman" tumatawang sabi niya!
."hoy tumigil nga kayo, ikaw Rein gagawin kitang bagyo eh. Shuta ka.. Dun ka na sa area mo, di ka naman namin kateam" si Sam. Haha basag sya kay Sam. Buti umalis din sya agad. May ugali kasi talaga yang Rein na yan 🙄
"guys.. may papizza ang mga boss. Punta na kayo ng pantry hehe padespedida ni Sir Monti at pawelcome kay Ms. Allison" si Nadia. Secretary ni Sir.
wow thank you Maam Allison..
yown oh nakatipid ng pagkain today
Nag-uunahan sila nagpuntahan sa pantry. Akala mo mga di proffessional pagdating sa pagkain 🙄.
Nagmadali akong niligpit ang mgankalat ko para sumunod.
"oopps san ka pupunta?" pagpigil sakin ni Ms. Allison.
"tapos na ba yung pinapagawa sayo ni Mr Davis na mga blueprint?""ahmm.. malapit na po, matatapos ko naman po sya ngayong araw"
"no, I need it after lunch. Ipasa mo na agad. At hindi ka kasama sa mga gusto kong pakainin" dumiretso nanito agad papuntang pantry.
enjoy kayo guysss...
Kain lang kayo.Dfq. Seryoso ba?? Bakit ganun sya magsalita sakin?? Samantalang sa mga kawork ko?? Napakabait nya. Nagmumukha akong nag-iimbento!
Sino ba sya?!! Dapat nga maging magaang loob namin sa isa't isa dahil parehas kami ng apelyido.
"sige na.. Ikuha na lang kita" si TK.
Bumalik ako ng table ko. Kahit wag nya na ko ikuha noh! Di ko kakainin yan!
Nadidinig kong nagtatawanan sila at masayang kumakain sa pantry. Kahit si Sir Ciro mabait naman sa iba medyo strict lang talaga. Pero bakit sakin..
Nagpatuloy ako sa pagguhit.
Bahagyang tumulo ang luha ko. Nakakainis! May kumikirot sa puso ko.*blaagg*
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...