Zic POVLumapit si dad at sinalin ang alak na nasa mesa. "nadinig kong puro papuri si Mayor sa pinsan mo ah.. Kaya tuwang tuwa na naman ang papa" seryosong sabi nito.
"tss. Lagi namang sya ang magaling may bago ba?" sagot ko.
*blaaggg
Binagsak ni papa ang baso sa mesa na ikinagulat ko. Ayan na naman sya at icocompare ako kay Migo.
"tarantado! Wala ka bang gagawin para mapansin ka naman ng lolo mo! Wala ka nang ginawang matino! Puro ka basag-ulo! Wala ka bang gagawin para malampasan si Migo?!"
"tss. Mag-antay ka lang dad. May ginagawa na ko"
"siguraduhin mo lang! Lumalala na ang sakit ng papa. Satin dapat mapunta ang mana!" si dad.
Aalis na sya nang bigla akong nagsalita.
"naalala mo yung hiling ko na ipagkasundo mo ko isa sa anak ng Ventura." huminto si dad sa sinabi ko.
Nakausap na ni dad ang daddy nila Denise. At hiniling ko na ipakasal ako kay Allison pero hindi ko alam bakit parang nagbabago ang isip ko.
"kinausap ko na sya. Hindi ko alam kung sino sa anak nya ang balak yang ipagkasundo sayo" si dad.
"yung bunsong anak.. si Denise Ventura" seryosong sabi ko.
"ipakasal mo ko sa kanya"
~~~~~~~~~~❤~~~~~~~~~~
Denise POV
Pagkauwi ko ng bahay, andun na pala si daddy at inaantay ako umuwi.
Nagtatakbo akong niyakap sya. Namiss ko si daddy.
"aba.. Miss na miss ako ng prinsesa ko ah" sabi nito.
"naman daddy.. Supeerrrr" sabi ko at kiniss ko ito sa pisngi.
"tamang tama.. May sasabihin ako sa inyo ng ate mo.." sabi nya sakin.
Pinatawag ni dad si ate at agad din tong bumaba.Bineso nya din si daddy bilang pagkamiss. Close din sya kay daddy. Para kasing anak na talaga turing ni dad. Hindi ko maiwasang magselos.
"pinatawag ko kayo dahil may sasabihin ako sa inyong dalawa" mukhang seryoso si dad. "mahal ko kayong dalawa kaya ko gagawin to. Sana maintindihan nyo. Gusto kong magkaron kayo ng magandang kinabukasan sa mapapangasawa ninyo"
"tungkol san po ba ito dad?" nakangiting sabi ni ate. Parang excited sya pero ako di ko magets.
"hmm.. Kilala nyo naman diba si Rafael Saavedra?" tanong ni papa. Kilala ko yun. Sino ba namang di makakakilala sa mga Saavedra. Sya din ang tatay ni Zic. "kinausap kasi ako ni Rafael. Isa sya malalapit na kaibigan ko dito satin" nakikinig lang ako kay daddy. Samantalang si ate, parang sobrang excited.
Anak nya? So it means... Si Zic?? Ipagkakasundo isa samin ni ate.
"gusto kong malaman nyo na balak namin ipagkasundo ang anak nya, isa sa mga anak ko" si dad.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...