Chapter 24

211 7 2
                                    

Denise POV

Ginamot ko ang  tuhod ko dahil sa sugat na gawa ni Zic.
Umiiyak ako habang ginagamot ito. Napakasakit pa din ng sampal na natanggap ko sa kanya. Inalagaan ako ni dad hindi para saktan ng kung sino sino.

Pinagtitinginan ako ng mga estudyante dahil mag-isa lang ako.

Tumayo na ko para dumiretso na sa classroom.

Alam mo yung feeling na habang naglalakad ka tinitignan ka nila nang panghuhusga..



Oo na. Ako na masama..
Wag nyo na pagduldulan pa..




Nakasalubong ko sila Migo.
Kasama nya sila Stephen at James at ilang mga classmates ko.


Ang sama ng tingin sakin ni Migo.

Nginitian ko sila Cami pero di nila ako pinansin.

.....naglakad lang sila at nilampasan ako.










Nawalan ako ng mga kaibigan dahil kay Zic..




Pagkatapos si Zic ay niloko lang ako. Nakakatuwa di ba?
Sobrang wasted ko..

Kahit sa classroom walang kumakausap sakin.









Natapos ang klase na tahimik lang ako di gaya nun na ako ang pasimuno ng kalokohan..


Nagtatawanan ang lahat pero hindi ako kasali.



President ba naman nila yung niloko ko eh. Mahal ng lahat si Migo kahit ganun yung masungit. Concern sya sa mga estudyante. Kaya ganun din sila.




May program kami para sa mga incoming college.
Andito kami lahat ng mga seniors sa gym.

Wala pa yung mga representative ng mga universities na maghihikayat na dun kami mag-enroll. Kaya tambay lang muna.

Nakita kong nakatayo si Migo at binabantayan kaming mga estudyante kasama ilang officers. CAT officer din kasi si Migo. Oh di ba napakabibo nya..

Lumapit sakin ang isang adviser at sinabing kumanta ako.


Napangiti ako. Gusto kong kumanta.




Gusto kong iparinig muli sa lahat ang boses ko. Gusto nila ang boses ko at baka sakaling mawala ang galit nila.


Umakyat ako ng stage..


Hello Everyone..
I just want to dedicate this song to our President. Migo..

Kumunot ang noo ni Migo.
Seryoso lang nakatingin ang lahat sakin. Hindi sila excited gaya noon.


Moon River


*instrumental*




Moon river, wider than a mile
I'm crossing you in style some day




This time kumanta ako gamit ang boses ko at hindi na nanggaya ng artista.





Oh, dream maker, you heart breaker
Wherever you're goin', I'm goin' your way



Parehas kami mahilig sa mga classic songs kaya alam ko magugustuhan nya din to.



"boooooo boooooo" sigaw ng mga tao. Nasira ang pagkanta ko ng magsigawan silang lahat.



Napapahiya ako. Hindi na ko nakakanta ng maayos dahil binoboo ako. "bumaba ka na dyan talandii"







Two drifters, off to see the world
There's such a lot of world to see



Hindi ko sila pinakinggan at nagpatuloy ako sa pagkanta. Napatingin ako kay ate Allison at tinatawanan nya ko.



May mga bumato sakin ng kung anu ano. Mga papel, Itlog, mansana,  umalis lang ako sa stage. Pero di ako umaalis.




Hindi ko pa tapos kumanta pero umalis si Migo. San sya pupunta? Ayaw nyang pakinggan ang kantang to.


Boooooooooo

Tumulo ang luha ko.
Habang pinagmamasdan sya palayo.


Umiiyak ako habang kumakanta.



We're after the same rainbow's end, waitin' 'round the bend
My huckleberry friend, moon river, and me



"bumaba ka na dyan pangit moo hahahaha"


"Migo sorry" umiiyak na sabi ko pero hindi nya na talaga ako nilingon.





Hindi ko na tinapos yung kanta. Bumaba ako ng stage. Sobrang sakit ng lalamunan ko dahil ayoko umiyak.
Umalis ako ng program.

Nakakahiya ako









Nakakahiya ang ginawa ko!















Ayoko na..







Hindi ko na kayang pumasok pa kung ganun na ang tingin ng lahat sakin.






Hindi ko na kakayanin pa 'to.

















Ako na lang ang lalayo.






~~~~~~❤~~~~~~~

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon