Part 2 Chapter 04

243 8 1
                                    


Denise POV

Nagmamadali ako. Wala akong kapera pera. Nagcommute na lang ako mahatid lang yun kay Sir mga files nya! Bakit di na lang nya sinabay sa kotse nya?! Balak nya ba talaga akong pahirapan? Seryoso ba?!

Ms. Ventura nagchange ng location. Sa Laguna exit ako. Make sure madadala mo before 6pm.

Laguna????
Sabi nya kanina sa may Makati lang! Aissshhh

Sobrang pagod na pagod ako kakasunod sa kanya. Paiba iba sya ng location.

Hello sir.. Andito na po ako sa Makati kanina pa.
-ako

Laguna sabi ko diba? I need it now!
-Sir

Wow ha. Sya pa galit. No choice
Tinignan ko ang oras... Hindi to kakayanin.. Nagtaxi ako para makaabot. Wala na kong pera pero anong gagawin ko. Boss ko nag-utos.

Nasstress ako. Grabe mag-utos. Napakasama ng ugali nya! Mas masama pa sya kay Sir Monti!

Napatingin ako sa oras shetttt mag alas sais na.

Hindi naman nagtetext or tumatawag si Sir.

Kinakabahan ako.

Umabot ng 3k yung bill ko! Hindi ako gumgastos ng ganito sa isang araw!
Pagdating ko sa sinasabi nya. Wala sya.

Wala naman si Sir dun.

Calling Sir Davis ..

Hello sir, nasan po kayo?
-ako

Anong oras na?
-tanong nya.

Napatingin ako sa orasan, mag 7pm na. Late na late na.

alam mo bang napakahalaga ng oras ko. Hindi ko na kailangan ang mga iyan. Wala kang silbi!

Wow ha. Ako na nga tong hirap na hirap.

Battery low.

Namatay yung phone ko at nadeadbat. Bwisit! Ang malas malas ko!!

Ang layo layo nito samin. Pano ako uuwi??
Napaupo ako at napaiyak sa daan. Wala bang may pwedeng sumundo sakin dito 😭😭.
Napakasama ng ugali nya! Pinapunta nya ko dito. Hindi man lang nya ko sinabay pauwi?! Nakakagalit lang kasi.

Papunta pa lang dito naka 3k na ko! Pano pa pauwi?! Hindi naman ako mayaman gaya ng mga kasama ko.

San ako pwedeng magcharge dito??
Naglakad lakad ako. Wala nang mga tao sa paligid kahit napakaaga pa. Nagmumukha tuloy napakalalim na ng gabi.

~~~~~~~~❤~~~~~~~~

Ciro POV


Kausap ko pa sya nang bigla syang nawala sa linya. Binalak ko tawagang muli pero cannot be reach na.

Namatay siguro ang phone nya. Tss.

Inihinto ko ang sasakyan.

Pano sya ngayon? Mahirap nga pala sumakay sa area na yun. Ikinusot ko ang buhok ko.

Tngna. Bakit iniisip ko sya??
Para akong gag* eh. Gusto ko nga mahirapan sya tapos nagkakaganito naman ako.

Ibinalik ko ang sasakyan. Gusto kong malaman kung makakauwi sya ng maayos.

Agad ko syang nakita. Umiiyak sya.

Naglakad lakad sya. Medyo madilim na at wala nang katao tao.

Nasa malayo lang ako at nakatanaw sa kanya. Pinaandar ko ang sasakyan. Sinundan ko kung san sya pupunta?

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon