Denise POVTapos na ang klase. Pauwi na sana ako ng bigla akong hinatak ni Migo.
"s..san tayo pupunta?" tanong ko.
"bday ni lolo ngayon, simpleng celebration lang. Dadalhin sana kita para ipakilala" nakangiting sabi nya.
"huh? A..ayoko.. Hindi ako handa.. Tignan mo nga hitsura ko"
"hahaha akong bahala. Sumunod ka" sabi nya.
~~~~~~~❤~~~~~~~
Lumapit si Migo at manghang mangha sa hitsura ko.
Tinitigan nya kong mabuti. Bakit ba ganun ang mga titig nya? Hay naku
Hinalikan nya ang labi ko na ikinagulat ko. Bakit ang hilig nya magnakaw ng halik.
"grabe ang ganda mo.." nakangiting sabi nya. "napakaswerte ko"
"s..sure ka ba dito? Nahihiya ako ayoko talaga"
"ano ka ba.. Be proud, you're so beautiful Denise. Hindi ko alam pano idescribe pero alam ko magugustuhan ka nila lolo pag nakita ka"
Napangiti ako sa sinabi nya. Mukhang masaya talaga sya at ako ang kasintahan nya. Sa totoo lang, ako ang swerte Migo. Simula pa noong nagustuhan mo ko. Napakaswerte ko.
T..Teka.. Anong sinasabi ko?
S..Si Zic ang gusto ko.. Aisshhhh hindi ko pwedeng magustuhan si Migo.
Kinuha nya ang kamay ko at hinalikan ito.
Napakasweet ng halik na yun. Napakahigpit ng hawak nya sa kamay ko na para bang sinasabing hindi nya ko pakakawalan
Unti unti kong nagugustuhan ang mga ginagawa nya sakin. Bakit lumalakas ang tibok ng puso ko. Pinapahirapan nya ko.
~~~~~~❤~~~~~
Saavedra Mansion
Pinagbuksan ako ni Migo ng pinto ng kotse.
"let's go.." kinuha nya ang kamay ko at pinaikot sa braso nya. Sabay kami naglakad papasok sa hallway. Grabe ang laki ng bahay ng lolo nya.
Ang laki na nga kanila Migo tapos mas malaki pa 'to.
Madami naman kaming pinupuntahan ni dad. Halos kaibigan nya ang mga mayayamang tao dito sa lugar namin pero iba ang mga Saavedra. Nakakalula sila.
"hello tito, tita.. I want you to meet my date.." inilapit ako ni Migo at hinawakan ako sa bewang. Andikit nya. Pinakilala nya ko sa mga relatives nila.
"hi hija.. Nice to meet you" sabi ng mga ito.
"nice to meet you po" sagot ko.
"correction, not just my date. My girlfriend .." proud na sabi nya.
"owww... Magaling talaga pumili tong pamangkin ko haha" sabi ng tito nya. Pinsan ng mommy nya.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...