Denise POV
Hinatid ako ni Zic hanggang sa bahay. Hawak hawak nya ang kamay ko.
Nagsisigarilyo sya habang naglalakad kami. Kinuha ko yun pero mukhang nainis sya.
"wag ka na nga magsigarilyo masama yan sayo" tinapon ko yun."ano ba! Wag mo nga ako pinipigilan sa gusto ko!" kumuha sya ng panibago at sinindihan. Naglakad na sya at nauna sakin. Hindi nya ko sinabayang maglakad.
...
Bakit ganun..
Ang layo nya kay Migo..
Napakalayo nya dito.
Hindi nya ko inaalagaan gaya ng mga nagagawa sakin ni Migo.
Hindi ko naririnig yung kagaya ng mga pangako ni Migo.Huminto na sya sa paglalakad ng makarating sa harap ng bahay namin.
Hinarap nya ako at hinawakan ang kamay ko."makinig ka.. Alam ko nakokonsensya ka lang kay Migo. Hindi ka dapat makonsensya sa kanya. Simula noon masama ang ugali nya. Tama lang yung ginawa mo para sakin. Ako ang mahal mo Denise. Wag ka manghinayang sa gaya nya. Wag mong pansinin ang ibang tao. Ang mahalaga magkasama tayo diba?"
"h.. Hindi masamang tao si Migo Zic.. Ikaw lang nag-iisip nun. Pinsan mo sya. Humingi na tayo ng tawad sa kanya. Para ok na ang lahat. Kung talagang mahal mo ko. Gagawin mo yun.. Yun ang hiling ko. Ngayon lang ako humiling sayo baka this time pwedeng ako naman ang masunod"
Bigla nyang hinablot ang braso ko! Napakadiin!
"anong sabi mo?! Magsosorry ako! Gag* ka ba?! Hinding hindi ko gagawin yun!" galit na sabi nya.
"Zic masakit tama na.." pero lalo pa nya hinigpitan. Kinuwelyuhan nya ko at pinagbantaan. "sorry na.. Hindi ko na uulitin"
Pilit ko syang tinutulak. Natatakot ako kay Zic. Bakit bigla bigla nagiging ganyan sya!
"sa susunod na hilingin mo pa yan. Baka di na ko makapagtimpi sayo! Makita ko lang na humabol habol ka pa sa pinsan ko. Babasagin ko mukha nya sa harap mo!" binitawan nya ko at umalis na.
Naglakad na sya palayo at di man lang nagpaalam ng maayos sakin.
Sya ba?
Sya ba ang lalaking mamahalin ko?Nagagawa nya kong saktan?
Bakit sya pa yung minahal ko?!
Masaya ako pag kasama ko sya pero ngayon.. Hindi na ko sigurado sa nararamdaman ko sa kanya.~~~~~~~~❤~~~~~~~~
Zic POV
Nakakapikon! Bakit pakiramdam ko nahuhulog si Denise kay Migo! Hindi ako papayag! Ako lang ang mahal nya. Wala nang iba!
Pagpasok ko pa lang ng mansion. Andun na si dad sa living area at may hawak na alak.
Nakakunot na naman ang noo nito at mukhang masama ang mood. Tss.
"saluhan mo ko dito" seryosong sabi nito.
L
umapit ako at naupo sa katabing sofa. Sinalin ni dad ang alak sa baso at binigay yun sakin.
"alam mo bang naglabas na ng last will and testament ang papa" sabi ni dad. Lumagok muli ito ng alak. Parang ang lalim ng iniisip nya.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...