Part 2 Chapter 11

225 7 5
                                    

Denise POV

Pag-isipan mo..
-Sir Ciro




Pinokpok ko ang ulo ko. Sinabunutan ko ang sarili ko.


Tumatakbo lang sa isipan ko ang sinabi ni Sir. Ano bang problema nya.


Kanina ko pa tinatawagan si Zic. Pero hindi sya sumasagot.


Zic, asan ka na..
Kailangan kita 😭 Bakit ba hindi ka na nagpaparamdam? Akala ko ba.. Hindi mo ko pababayaan.

Gulong gulo na ang isip ko. Bakit ba kasi wala kaming ibang kamag-anak na matatakbuhan.

Mukhang wala namang ibang choice. Hihingi ako ng tulong kay sir.
Siguro naman hindi sya ganun kasama. Siguro naman mapapakiusapan sya.

Agad ako nagtungo sa condo nito.
Pagpasok ko pa lang sa entrance  Napakalaki at napakaganda ng condo na to. Pati yung design ibang iba. Sa pagkakaalam ko nga ang pinakamura na dito eh 75m samantalang sobrang liit lang nun.


Sa totoo lang kung wala akong kapatid na ganid, napakaganda na sana ng buhay namin nila papa. Kaya ko na sila buhayin. Anlaki naman ng kinikita ko. Nasira yung design ko sa bahay namin dahil binenta ni kuya nang wala kaming kaalam alam.

"Hi Miss, can you please tell me what room number is this?* tanong ko sa receptionist. Napatingin ito sakin at ngumiti.

"Ma'am Denise right?" nakangiting sabi nito.

"y..yes" nagtatakang sagot ko. Bakit kilala nya ko? "d..do you know Mr Davis?" tanong ko.


Muli itong ngumiti sakin.
"ofcourse maam, sya ang may-ari ng condominium na to"

"s..sya ang may-ari??" nagulat ako dun ah.


"yes maam.. And also yung Dixton Hotel sa harap" sabi nito. Grabe ganun pala talaga sila kayaman. Alam ko nga na sobrang yaman nila. Pero nakakalula pala talaga.

Binalik nya sakin yung card at naginstruct papunta sa room ni Sir.
Grabe ahh. sa pinakataas na floor sya.
Pero kanya lang yun. Wala syang ibang kasama sa floor na yun.

~~~~~~~~~

Huminga ako ng malalim. Nasa harap ako ng condo ni Sir.

Woooohhhhh.. Bakit ako kinakabahan ng ganito. Kung anu ano pumapasok sa isip ko. Bakit nya ba ko pinapunta sa bahay nya.

Imposible namang may gusto sya sakin. Galit na galit nga yan sakin. Eew. Kadiri iniisip ko.


Kakatok pa lang sana ako nang biglang nag-unlock automatic yung pinto.

Bumukas ito ng bahagya.



oww..





Dahan dahan akong pumasok.




Ang ganda. Black ang theme ng condo nya. Halatang lalaki ang may-ari. Napakamasculine. Napakalaki nito kung sya lang ang nakatira. May isang napakalaking lirato sa salas kung san family pic nila ang andun. Seryoso ang mukha nya sa litrato na yun. Pero napakagwapo nya. Malas nga lang mapapangasawa nyan ni Sir. Feeling ko kasi istrikto sya.


Kinuha ko ang maliit na litrato sa taas ng piano. Bakit pamilyar ang mukha nya. Pag tinititigan ko ang mata nya. Parang nakita ko na sya.




How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon