Denise POV
*bang!!!!
Uhhggg!!!!
Napatakip ang tenga ko!!
Bumagsak si Migo sa lupa at dire diretso syang nahulog sa bangin.
H..Hindi pwede..
"Migoooooooo!!" umiiyak ako. Nalaglag sya sa bangin. Imposibleng mabuhay pa sya dyan!!! Sobrang lalim!
Iyak ako ng iyak 😭😭😭
"good job!" napatingin ako kay Zic.
Hinalikan nya si ate Alisson!
Hindi ako ang bumaril kay Migo kundi si ate!!
"sabi ko naman sayo. Ngayong wala na si Migo solong solo ko na ang mana" nakangising sabi nya. Magkasabwat sila!!
"mga hayop kayo!!! Mga demonyo!!!!! Bakit nyo pinatay si Migo!! Ang sasama nyo!!" walang tigil ang pag-iyak ko.
"hoy Denise!! Manahimik ka! Subukan mong magsumbong dawit ka na din dito!!"
"napakasama mo ate!! Isusumbong kita kay daddy!!! Isusumbong ko kayo sa pulis!!" agad akong tumakbo!! Kailangan ko tumawag ng pulis!
"Denise!" sigaw ni Zic at nagpaputok sya ng baril. Natakot ako dahil sinundan na nila ako!
This time ako na ang hinahabol nila.
~~~~~~❤~~~~~
Zic POV
Ptangina.
Agad naming hinabol si Denise. Nagmadali itong tumakas.
Hinabol ko ito! Hindi sya pwedeng makatakas!! Masisira ang plano. Tagilid kami nito dahil pwede syang maging testigo!!
......
*beeppp*
"sakay na bilis!!" si Allison. Gamit nya ang kotse ko.
Sya ang nagdrive habang ako ay hinahanap si Denise sa paligid.
Tungina nasan na ang babaeng yun?!!
Patuloy sya sa pagmamaneho.
"ayun sya.." si Allison. Pagtingin ko may babaeng tumatakbo sa kalsada. Si Denise nga yun! Papunta syang bayan para magsumbong!
Walang katao tao dahil gabi na at ang atensyon ng lahat ay nasa mansion nila Migo na nasusunog.
"Kailangan natin syang pigilan. Ihinto mo ang sasakyan! Susundan ko sya" sabi ko.
Pero nagtaka ako dahil hindi inihinto ni Allison ang sasakyan. Pinabilis nya pa lalo ang pagpapaandar dito.
"Allison ano ba?!! Ihinto mo!" sigaw ko.
Pero...
Beeepppppppppppppp
*booggshhhhhhh
B..binangga nya si Denise. Tungina wala na to sa plano.
Pagtingin ko nakahandusay na si Denise sa kalsada. Saglit akong natulala dahil sa nangyare. Kitang kita ko kung pano humampas ang ulo niya sa sasakyan.
Bakit nakaramdam ako ng pag-aalala. Hindi ko gustong madamay sya. At wala akong balak patayin sya.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...