Ciro POV
"a..ano? aalis ka?" sagot ko kay Denise. Hindi sya pwedeng umalis ng kumpanyang to.
"opo, mabuti pang humanap na kayo ng kapalit ko" sagot nya.
Agad syang lumabas ng opisina ko at nakitang nagliligpit sya ng mga gamit nya.
Baliw talaga ang babaeng yun. Bahala sya sa buhay nya. Pero di ko maalis ang tingin ko sa kanya.
Huy Denise sigurado ka na ba?
Denise wag ka basta basta magdecide ng ganyan sayang oh nakaka2yrs ka na..
Denise wag mo ko iwan, wala na ko kasabay magstarbucks.
Denise wait lang uunahan mo pa ko magresign
Panay pigil sa kanya ng mga kasama nya.
Lumabas ako ng opisina at pinuntahan sya. Napipikon ako sa kaartehan nya.
"mag-usap tayo" seryosong sabi ko.
Tinignan nya ko ng masama. Namumuo ang luha sa mata nyang makita ako.
"hindi na po, di ba ito naman gusto nyo sir? Hindi ko naman naramdaman na empleyado turing nyo sakin dito" patuloy pa din sya sa pagligpit ng gamit nya.
Hinawakan ko ang braso nya para pigilan sya.
"mag-usap tayo!" tinignan nya ang kamay ko sa braso nya at muling tumingin sakin. Tinabig nya ko."ano bang problema mo Ms. Ventura?!" di sya nakinig. Patuloy sya sa ginagawa nya. Pero ramdam kong nagtitimpi sya sakin. Na mabigat ang loob nya sakin.
"ahh gusto mo umalis?! Sige!" pinagkukuha ko mga gamit nya at pinagtatapon sa karton!! Nagkalaglag na ang iba sa sahig! Naiinis ako sa kaartehan nya."sir ano ba?!"
"umalis ka?! Ayoko nang makita ka dito! Hindi ka kawalan sa kumpanyang to!" sigaw ko sa kanya! "sige alis! Ako pang pagmamalakihan mo?!"
Natigil ako nang mapansing nakatingin na pala ang mga empleyado ko samin. Masyado na palang tumaas ang boses ko. Masyado akong apektado sa pag-alis nya. Pagtingin ko kay Denise. Umiiyak na sya.
Pinulot nya isa isa yung mga gamit nyang nahulog. Pinunasan nya ang luha nya at niligpit isa isa yun.
Agad din syang umalis at hindi man lang nagawang magpaalam sakin, buhat buhat nya ang mga gamit habang umiiyak.
H..Hindi sya pwedeng umalis.
Ewan ko ba't para akong gag*. S..sinundan ko pa din sya.
"Denise mag-usap muna tayo. Pls.."
Huminto sya at hinarap ako. Nakita ko na naman ang mata nyang namumula pa dahil sa pag-iyak.
"pwede ba.. Ano pa bang gusto nyo? sinabihan nyo ko na isang mababang uri ng babae. Pinahihirapan nyo ko, pinapahiya. Hindi nyo alam kung anong nararamdaman ko. Hindi ko alam bakit gustong gusto nyong sinasaktan ako. Siguro po masaya na kayo ngayon"
"wag kang umalis, tapos!" galit na sabi ko. "kulang ba yung perang binigay ko. Magkano ba Denise? Dadagdagan ko!"
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...