Denise POV
"Magbihis ka may pupuntahan tayo" si Zic. Nagtaka ako sa sinabi nya. San naman kami pupunta.
Hindi ako nakapasok kakaiyak dahil galit sya na galit sya sakin. Pero masama din loob ko sa kanya. Napakapride nya. Para sa kanya naman yun ginawa ko. At pano nya nagawang bastusin si papa. Kung mahal nya ko dapat mahal nya din pamilya ko.
Hindi ko sya pinansin.
Nagulat ako dahil lumapit sya at binato sakin ang dress na kakabili nya lang.
Seryoso ba? Binato nya yun sakin!
"isuot mo yan! Mag-ayos ka. Sa kotse na ko maghihintay" umalis din sya agad pagkasabi nun.
Anong problema nya?? Bakit nagbago na si Zic? Ayoko ng ganito siya. Naiiyak ako pag ganito. Pero ewan ko ba kahit kelan tatanga tanga ako. Sinunod ko pa din mga sinasabi nya. Kahit papano ayoko nag-aaway kami.
Inayos ko ang sarili ko. Ang ganda ng binili nyang dress. Hindi ordinaryong dress eh. Napatingin ako sa tag.
Grabe.. Nalula ako sa price. Bakit sya bumili ng ganito kamahal??
Pero bigla ko na lang naalala yung sinabi ni Zic.
Ibibigay ko ang lahat sayo, kahit gumawa pa ko ng mali
Haysssss....
Galit ako sa kanya! Pero lumalambot puso ko pag ganyan sya. Naiintindihan ko naman bakit sya nagalit. Baka akala nya may ginawa kami ni Sir Ciro. Pero gusto ko ipaintindi sa kanya na hindi naman pala to ganun kasama. At hindi din basta bastang tao kung babanggain namin sya. Hihingi na lang ako ng tawad.
Agad ako nag-ayos. Pinilit kong magpaganda para sa kanya. Bagay naman sakin ang silver na dress na nabili nya.
"ate ganda" si Madison. Hinawakan nya pa ang buhok ko "Madi din.. gusto ganda.." hahahaha ang cute nya.. Kinulutan ko din sya at inayusan. Maganda naman ang kapatid ko kahit special.
"Denise! Ano ba?!" nagulat ako sa sigaw ni Zic. Naalala ko kanina pa pala sya naghihintay. Halaaaa. Nagmadali ako magligpit at bumaba. Naiwan ko tuloy si Madison.
"mauna na si ate ahh" at hinalikan ko ito sa noo. Agad akong bumaba. Natanaw ko agad ang nakasimangot nyang mukha.
"hala sorry Zic.." nagmamadali akong sinalubong sya.
"kanina pa ko naghihintay. Kung anu ano pang inuna m..mo! M..ma..ha..l.a..g." bahagya syang napahinto nang makita ako. Ang tagal din nya kong tinitigan.
"bakit Zic? pangit ba?" tanong ko. Kasi baka pangit sakin yung dress. Iba naman ang paningin ng lalaki sa babae. Mamaya hindi nya gusto.
Hindi nya sinagot ang tanong ko.
"s..su..makay ka na.." agad nyang inalis ang tingin sakin.
Hindi sya siguro nagagandahan sakin 😢
Sumakay ako ng sasakyan. Lahat ng gawin nya padabog. Hindi ko alam kung ano bang gagawin ko para mawala galit nya. Agad nya tong pinaandar at hindi ako kinikibo. Antagal naming walang kibuan. Pero lagi ko syang nahuhuling nakatingin sakin sa front mirror
Habang nagdadrive sya hinawakan ko ang isang kamay nya. Pinilit ko yun kunin kahit galit sya sakin. Hinalikan ko ang kamay nya at hinagkan.
"Z..Zic.. ayoko ng ganito tayo. Sorry kung di mo gusto lahat ng gawin ko. Lagi ka na lang kasi nagagalit sakin. Wala na kong ginawang tam----"
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...