Chapter 05

341 8 0
                                    

Chapter 05

Denise POV

*tok tok tok!*

Natigil ang pagkain ko ng apple dahil may kumatok. Agad akong tumayo para pagbuksan ito.


"ate.." sabi ko. Si Ate Allison pala yun.  Inalok ko sya ng apple pero di nya pinansin.

Nagpaikot ikot sya sa kwarto ko.

Bakit kaya?

"ate.. Pwede bang dalawa na lang tayo sa France para magkasama tayo. Ayaw mo nun.. Dalawa tayo makakagraduate dun" baka kasi ok lang kay ate pero di nya yun sinagot. "para sabihin ko na kay daddy"

Tinignan nya yung malaking picture ko sa wall.
Sa kwarto ko kasi every year pinapalitan yung latest pic ko. Nakagawian namin yun ni mommy at hanggang ngayon ginagawa ko. Kahit 6yrs na syang patay.

"maganda pala yan.. Gusto ko din ng malaking picture sa kwarto ko" sabi nya "gusto ko magphotoshoot. Irerequest ko yun kay daddy. At gusto ko din mas magandang picture frame kesa sayo"

Irerequest nya kay daddy? Ako nga never nagrequest ng ganun eh..

"balita ko may gusto ka daw kay Zic ah.. Totoo ba?"

"hala ate.. San mo nalaman yan?" gulat na tanong ko. Grabe. Andami nang nakakaalam. Nakakahiya naman.

"you like him right?" sabi nya.

Ngumiti ako.

"alm mo ba ate kanina.. Sabi nya gusto nya daw ako at hinalikan nya ko sa noo" masayang kwento ko.

"naniwala ka naman?!" pagtataray nya.

"oo naman.. Sabi nya eh"

"sa tingin mo ba.. Mga gaya mo ang magugustuhan nya?" tanong nya. Bakit ba parang ayaw nya?
"naunahan mo pa ko maglandi. Isusumbong kita kay daddy"

"ate wag.." sabi ko. "hindi pa naman kami"

"dapat lang! At isa pa hindi kayo bagay ni Zic.."

Lumabas sya sa kwarto ko.

Ang suplada nya. Ano ba kasing paki nya kung bet ako ni Zic hmp.

~~~~~~~❤~~~~~~~


Kinabukasan..

Naglalakad na ko papuntang classroom. Nang makasalubong ko si Zic..

"hi Denise" bati nya. "kamusta?"

Nginitian ko sya. Napakagwapo nya sa umaga. Wala akong balak layuan sya noh. Inggit lang si ate kasi nililigawan ako ni Zic.

Eh sya madami ngang nanliligaw sa kanya? Mga tricycle, truck driver at takatakboys naman.

"Zic.. Free ako mamaya" pfft. Bakit ko sinabing free ako? Dapat sya magtatanong nun baliktad

"haha talaga? Sayang may gagawin ako mamaya. Aayain sana kita magdate kaya lang may importante akong gagawin" sabi nya. Nalungkot naman ako dun.

"wag ka na magtampo" kinuha nya yung kamay ko at hinalikan yun. Namula ako. Ang sweet nyaaaa.

"ok lang" nakangiting sabi ko. Ok na ko dahil lang sa kiss nya sa kamay ko.

"teka.. May nagsabi sakin balak mo daw mag-aral sa France. Totoo ba?" tanong nya. Kanino nya nalaman yun? Ahh.. Baka sa mga classmates ko. At saka di ba nga gusto nya ko kaya baka nagtatanong sya. Uy assuming hahahaha

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon