Part 2 Chapter 15

254 7 10
                                    

Denise POV

Busyng busy si Zic sa pag-aasikaso ng mga client nya. Ako naman ang naglilista ng mga umattend sa event. Kitang kita sa mukha nya na masaya sya sa ginagawa nya. Ngayon din namin makikilala yung big client na sinasabi ni Franco. Ayaw magpakilala for security purposes kasi nga mayaman daw talaga.

Lumapit ako kay Zic dahil di ito mapakali. Mukhang kinakabahan sya.

"ok ka lang? Kayang kaya mo yan" sabi ko.

"tingin mo ba kaya ko?" si Zic.

"oo naman, nireview naman natin about sa presentation. At ang galing mo Zic. Mas magaling ka pa kesa sakin"

"hahahaha" tumawa ito at niyakap ako. "sabi ko na eh, ano bang talent meron ka at kaya mo magpalakas ng loob ng isang tao"

"uy hindi ahhh magaling ka talaga"

ehheemmmm
si Franco. Bigla akong umalis sa yakap ni Zic. Nakakahiya noh. May tao.
"pare parating na daw yung client"

"talaga pare? Sige sige. Maghahanda na ko. Sige na Denise bumalik ka na dun" hinalikan ni Zic ang noo ko. Bakit puro noo lang. Ano ako? Lola? Gusto ko sa lips.

Hmpppp

Umupo na ko at uminom ng kape.

Maya maya'y dumating na yung sinasabi nilang client. May mga security itong kasama. Ganun ata pag mayaman. Pautang naman dyan. Nacucurious tuloy ako kung sino sya. Para kasing sa tv may mga body guard.

Paglapit nito.



Si Sir Ciro???? sya na naman?




"s..sir??" sheetttt. Sya yung big client na sinasabi nila Zic. Nakita nya pa ko. Matapos ko sya sagut sagutin kahapon. Malalaman nyang parte ako ng event na to.

Matalim ang tingin nito sakin.
"are you part of the team?" nakakatakot na sabi nya. B..Bakit kinakabahan ako ng ganito. Hindi ako makasagot. B..Baka makasira pa ko kay Zic.

Ngumisi ito at nilampasan ako kasunod lang nun ay mga business partners nya. Ni hindi man lang pumirma sa mga attendees. Napakaarogante talaga!

~~~~~~

Ciro POV

Pagkapasok ko pa lang ng launching event. Tss. Napakalow class. Hindi pa din nagbabago ang pinsan ko. Wala pa din syang kwenta gaya ng preparation nya sa event na to.

"Mr Saavedra, I want you to meet Mr. Davis. Sya yung client na sinasabi ko" si Atty Pascual. Company lawyer ng pamilya Davis.

Bahagya syang napahinto nang makita ako. Para bang nagtatakang makita ako. Pero bumalik din agad ang ngiti nito samin.





"M..Mr Davis? O..Oh hi Sir" nakangiting sabi nito. Hindi ko alam pero nung makita ko na naman sya. Namumuo na naman ang galit sa puso ko. Gusto ko syang sapakin. Gusto ko syang durugin ngayon sa kamay ko pero hindi na kami bata. Mas dudurugin ko sya sa ibang paraan.

Napipikon akong makita ang mga ngiti nya. Na akala mo wala syang ginawa sa pamilya ko nun. Nagsama pa sila ni Denise. Tss.

Alam kong sya ang may ari nito kaya target ko talagang palugiin to. Lahat ng may koneksyon sa kanila iisa isahin ko. Nagdemand ako para maglabas sya ng malaking pera kahit ang totoo'y hinding hindi ako pipirma ng kontrata sa kanya.

Inilahad nito ang kamay nya para makipagshakehands sakin pero hindi ko yun inabot. Arogante ang tingin nya sakin alam ko. Kung ano sya ay ganun din ako.

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon