Part 2 Chapter 02

267 8 4
                                    

Ciro POV

"sir" iniabot ni Brent ang isang folder sakin. Binuksan ko ito at nakita ang records ni Allison Ventura.

"she's working as interior designer sa France" ngumisi ako. Simpleng designer lang pala sya sa France. Akala ko naman ay napakataas nya.
"base po sa pinasa ko qualified naman po sya kung kukunin nyo sy-----"

"nagkikita pa din ba sila ni Zic?" tanong ko.

"ahmm yes sir Ciro. Nagkikita pa din sila kapag umuuwi si Ms. Allison"
Nakita ko ang mga litratong magkasama ang dalawa at laging dumadalaw si Zic sa bahay nila Allison.

Niloloko nya lang si Denise. Hanggang ngayon naman nagpapaloko pa din ang babaeng yun kay Zic! Hindi ko maisip bakit nabaliw ako sa babaeng yun! Napakawalang kwenta.

"magemail ka sa kanya, ioffer mo ang managerial position at make sure na makakapasok sya dito"

"yes sir .." yumuko ito at umalis na. Si Brent ang kanang kamay ko. Nauutusan ko sya at masasabi kong maasahan talaga sya dahil nagagawa nya ang kahit anong ipagawa ko sa kanya.

Matagal nang panahon pero nanatili ang galit ko kay Zic. Hindi ako titigil hangga't di ako nakakapaghiganti.

Nagbalik ako bilang si Ciro Davis. Tagapagmana ng pamilya Davis kung san maituturing na isa sa pinakamayaman sa bansa.
Mas mayaman di hamak sa mga Saavedra.

Puro lupain, condominium, mga  housing subdivision, mga casino at madami pang iba ang kadalasang ari-arian at business ng mag-asawang kumupkop sakin. Hindi nalalayo sa negosyo ng mga Saavedra ngunit di hamak na mas malalaki ang ari arian nila. At kahit sa ibang bansa ay may mga negosyo din sila.

Nung gabing halos mamatay na ko sa dami ng tama ng bala sa katawan ko. Niligtas ako ng mag-asawa. Si Leisha at Romeo Davis.

Sila na ang tinuring kong ama't ina. Pagkatapos patayin ang mga magulang ko.

Naisara ko ang aking kamao sa galit. Naalala ko na naman ang lahat.

Nung nahulog ako sa bangin. Napakaswerte ko na lang ata na sumabit ako sa puno kung kaya't di ako nagtuloy tuloy sa ilalim ng bangin dahil tiyak na ikamamatay ko. Ngunit napakabuti ng Diyos at nailigtas pa nya ko.

Nung nakita ako ng mag-asawang Davis. Kakamatay lang pala ng anak nilang si Ciro Davis.

Tahimik lang ang nagimg issue about dito dahil itinago nila ang nangyari sa anak nila. Hindi matanggap ng babaeng asawa ang nangyari kung kayat ganun na lang ang nais nyang kupkupin ako. Nakikita nya daw sakin ang anak nya.

Kasing edad ko lang ito at sinasabi nilang katindig ko daw kaya ganun na lang ang pag-aalala nila sakin.

Tulala ako at di makausap nung panahong yun.

Sobrang gustong gusto ako ng mag-asawa. Madami silang tanong na hindi ko sinagot. Ni hindi ako nagpakilala kung sino talaga ako. Kung san ako galing. Hanggang ngayon hindi nila alam ang galit sa puso ko.  Kinupkop nila ako kapalit ay pangangatawanan ko ang anak nila. Na mabubuhay ako bilang si Ciro Davis.

Tinanggap ko yun at eto ako ngayon.. Nabubuhay bilang siya.

Magagamit ko ang katauhang ito para  makaganti sa kanila.


~~~~~~~❤~~~~~~~

(8:00 in the morning - Office)

Kanina ko pa inaantay si Denise mukhang late sya.

"Mr. Monti? Mr Monti?!!" kumaripas ito ng takbo papunta sa opisina ko.

"sir yes sir?" sabi nito.

"Call Ms. Ventura, Now!" masungit na sabi ko dito.

"ok sir! For a while.." sagot nito.

Kabado ang mukha ng mga empleyado ko pag andito ako. Wala naman akong ginagawa.

"Mr Monti?!" sigaw kong muli dahil wala pa din si Denise. "where is she?!"

"eto na po sir" kasunod nyang pumasok si Denise sa opisina ko. "kahit kelan babagal bagal ka! Ako tuloy napapagalitan hmp!" inis na sabi nya dito.

"you may leave" sabi ko sa manager.

Sobrang bossy ng manager na yun. Akala nya siguro hindi ko sya mauutusan dahil sa posisyon nya. Pero paresign na din sya at kailangan ko ng kapalit nya.

"sir pinatawag nyo daw po ako?"

"where's my coffee??" sabi ko.

"c..coffee sir?"

"di ba ang sabi mo ikaw magtitimpla ng kape ko? Anong oras na Ms. Ventura?!" napaisip sya.

"hala o..opo sir sorry po" nagmadali itong pumuntang pantry at nagtimpla. Tss. Kahit kelan napakaslow nya.

Bumalik ako sa ginagawa ko. Nirereview ko kasi isa isa mga proposal at kailangan ng approval ko.

Maya maya'y inabot nya agad sakin yung kape.

"ano to?!" tanong ko.

"kape po sir?" nakangiting sabi nya. Tss. Hindi nya na ko madadaan sa ngiti nyang yun.

"I want brewed coffee! No sugar! Ms. Ventura ano ba? Kanina pa ko naghihintay sa kapeng yan! Napakapalpak mo!"

"sorry po. no sugar sir? S..sige po" muli syang nagtimpla.

Pagbalik nya, halatang natataranta sya sa takot sakin.

"eto na po sir, brewed coffee no sugar" lumapit sya ngunit di sadyang natapon ang kape sa damit ko. Napakaclumsy nya! Tngna.

"My God Denise!" inis na sabi ko. Halos umalingawngaw ang boses ko sa buong opisina. Napakainit ng kape. Agad syang naghanap ng tissue para punasan ang damit ko!

"sir sorry po. Hindi ko po sadya. Sorry po talaga" kinuha ko yung natirang kape at sinaboy sa kanya sa inis ko!

Nagulat sya sa inasal ko. Puno ng mantsa ng kape ang damit nya nakalight dress sya kaya kitang kita.

"bobo! Umalis ka!"  galit na sabi ko.

"sir sorry po talaga.. Hindi ko sadya. Natisod po kasi ako. Sorry po. Ipapalaundry ko yung damit nyo" naiiyak na sabi nya sa harap ko.

"diba sabi ko umalis ka na?!" nagtitinginan ang mga empleyado ko dahil napataas ang boses ko.

"sir. Sorry po wag po kayo magalit. Ako na lang po maglalaba nyan"

"alis!! Sinisira mo araw ko!" sa palagay ko'y gusto nya pa talaga humingi ng tawad pero natakot na sya sakin. Lumabas sya ng opisina kong umiiyak.

Nakatingin ang lahat ng empleyado!

"go back to work!" sigaw ko sa kanila.

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon