Chapter 10

270 6 0
                                    

Migo POV

Gabi na ko natapos sa klase.
Papunta sana ako kay lolo nang makasalubong ko si Zic.
Magkakatabi lang kami ng bahay ni lolo. Sila Zic ay malapit lang din pero hindi nakatabi samin.

"kamusta naman ang matalino kong pinsan? Gumawa ka na ba ng mga homework mo? Hahah" pang-aasar nito.

Ganyan sya pag gusto nya ng away.

Hindi ko sya pinansin at naglakad lang ako.

"balita ko.. May babae ka ata ngayon ah.. Hmm Denise ba pangalan??" pang-uusisa nya.

Kumunot ang noo ko.
"tsismoso ka pala" sabi ko.

"hahahaha tama.. Si Denise ng section B. Matalino ka nga.. Pero bakit parang wala kang kataste taste sa babae. She's so plain. Walang thrill" sabi nya.

"ano bang paki mo?!" sagot ko.

"Alam mo sumama ka kasi sakin. Ang dami kong ipapakilala sayong mga babae. Di hamak na mas maganda at mas masarap kesa sa Denise na yan"

*boogsh!*




Nasapak ko sya kaya bumagsak sya sa lupa.

"tangina! Gag* ka talaga" tumayo sya at gumanti ng suntok sakin.

*boogsh!*

"anong sinasabi mo?! Ganyan ba tingin mo sa mga babae?" kinwelyuhan ko sya! Nagsusuntukan kami!

"napipikon ka ba ha?! Baka kala mo nakalimutan ko ginawa mo sakin nakaraan! Bakla ka ba? Panay sumbong mo kay lolo na napaaway ako?!" galit na sabi nya.

Tangina ng lalaking to. Lagi akong sinisisi pag napapasama sya. Wala nga akong paki sa kanya. Kahit andami kong nalalaman at andaming reklamo sa kanya.

"Hindi kita sinumbong! Wala akong pakielam kahit anong gawin mo.
Basag ulo ka sa school tas sisisihin mo ko pag nakakarating kay lolo.
Alam mong may pangalan kang iniingatan ganyan ka pa! Madaming nakakakilala satin! Hindi mo ginagamit kokote mo!"

Panay suntok at sapak natatanggap nya sakin at ganun din ako sa kanya.
Pagulong gulong na kami sa daan!

Namumuro na din sakin tong lalaking to! At kahit kelan! Hindi ko naramdamang pinsan ko sya!

Umibabaw ako kay Zic at pinagsusuntok sya!

"my gooddd ang anak ko.. Itigil nyo yan" sigaw ni tita Camilla. Ang mommy ni Zic.

Dahil napatingin ako dito. Nagkaron ng tsansa si Zic na umibabaw sakin at ako naman ang pinagsusuntok nya!

Parehas na kaming duguan. Inawat na sya ng mommy nya kaya tumigil na sya at tumayo.

"tanginam* lampa!" sigaw nya sakin pero mas madami pa syang dugo at pasa kesa sakin.

Lumapit si tita at pinaghahampas ako.

"wag na wag mong sasaktan ang anak ko!" sabi nya "Sasabihin ko to kay Rafael!"



~~~~~~~❤~~~~~~~

Denise POV

Nakaupo ako ngayon sa batis at naghihintay.

Nagtext kasi sakin si Zic at nakikipagkita sakin dito.

Anong oras na wala pa sya.. Hayssss..

How to unlove you (Part1 Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon