Denise POV"ayos ka lang ba?" lumapit ako kay Zic. Andami nya kasing pasa eh. Nagalala talaga ako.
Bibigay ko lang sana mga homeworks nya. Ako kasi tagagawa ng mga yun.
Hahawakan ko sana sya pero lumayo sya sakin.
"ayos lang ako" iritableng sagot nya.
"gag* lang talaga yung pinsan ko na yun""bakit ba kasi di na lang kayo magkasundo. Tutal magpinsan naman kayo" sabi ko.
"ano?! Tanga ka ba?! Hinding hindi mangyayari yang sinasabi mo!" nagulat ako dahil tumaas boses nya. Napaatras ako sa kanya.
"s..sorry.." sabi ko. Napansin nya ata na nasaktan ako sa pagsigaw nya sakin.
Lumapit sya at bigla akong inakbayan.
"ok.. Sorry.. Di ko sadya masigawan ka. Sige ganito na lang.. Date tayo" sabi sakin ni Zic.
Bigla akong napangiti. Inaaya nya ko ng date.
"basta wag mo kalilimutan ha.. Yung about kay Migo. Sa palagay ko, naiinlove na sya sayo" si Zic. Hay naku, pinagduduldulan ako sa pinsan nya.
Kinusot nya ang buhok ko.
"kita na lang ulit tayo" ayoko pa maghiwalay kami pero mabilis na syang nakaalis.Parang lagi syang nagmamadaling mahiwalay sakin.
~~~~~~~❤~~~~~~~
Pag-uwi ko ng bahay. Nakita kong may mga maleta sa baba.
Teka?
Aalis ba sila?
"Tita Leslie? S..san po kayo pupunta?" tanong ko.
"mag trip to macao kami" mataray na sagot ni tita.
"k..kasama si dad? Hindi nyo man lang ako sinabihan??" kasama din kasi si Ate. Buti sana kung sila lang.
"ikaw, napakaepal mong bata ka.." hinablot nya ang braso ko! Mahaba pa naman kuko nya. " Kami lang ang pupunta sa macao! Hindi ka kasama! Sabihin mo sa daddy mo, Ayaw mong sumama naiintindihan mo! Wag mong sirain tagal ko tong pinlano!"
Naluluha ako sa inis sa kanila. Pero hindi.. Hindi ako iiyak.
"oh anak andyan ka na pala? Bakit di ka pa nagbibihis?" lumuwag ang pagkakahawak sakin ni tita. At ayan.. Nagpapanggap na naman syang mabait sakin dahil kaharap si daddy.
Kasunod ni daddy bumababa ng hagdan si Ate Allison. Todo outfit din sya gaya ni tita.
"honey.. Nagkaro'n kasi ng prob sa isang ticket. Kaya tinanong ko sino sa kanilang dalawa ang sasama. Nagpaiwan naman si Denise dahil madami daw sya tatapusin sa school. Kaya si Allison na lang ang sinama ko" wow. Ready na talaga sya sa idadahilan nya.
Lumapit sakin si daddy at hinawakan ang mukha ko.
"ganun ba anak.. Napakasipag mo talaga.. Sige uuwian na lang kita. Ano bang gusto mo ha?"Pairap irap yung dalawa sakin. Niyakap ko lang si daddy. "wala po" matamlay na sagot ko.
"basta mag-iingat ka lang po lagi" sabi ko.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romansa"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...