Chapter 04
Past - 2009
Zic POV
"oo nga, may gusto yun sayo" sabi ng tropa kong si Raul.
Napangiti ako. May gusto daw sakin si Denise ng section B. Balak ko ligawan. Sa section na lang nila ata ako walang nagiging girlfriend eh.
Nakita ko syang nakaupo sa bleachers kaya naisip kong lapitan sya. Kasama nya yung mga kaibigan nya.
Nilapitan ko sya at nagulat sya ng mapansin papalapit ako.
"pwede ba tayong mag-usap?" sabi ko."o..oo naman.." nakangiting sabi nya.
Sumunod sya sakin. Kinikilig naman ang mga kaibigan nya.
Nakarating kami sa likod ng bldg B
"balita ko gusto mo ko?" sabi ko.
"h..huh? A..ano hala ano ka ba? S..san mo nakuha yan? Haha naku wag ka magpapani wa la sa" nauutal sya dahil papalapit ako ng papalapit sa kanya.
Wala na syang maatrasan.
Umakma akong hahalikan sya pero tinulak nya ko. Kinakabahan sya.Hmm tinanggihan ako ah. Hindi ko talaga sya type. Napakasimple nya lang kasing babae. Gusto ko yung maganda at sexy.
"gusto kita" sabi ko.
Namula sya sa sinabi ko. Hindi sya nakaimik.
"pero wala eh. Ayaw mo pala sakin" sabi ko. "sige alis na ko" naglakad na ko palayo sa kanya.
"g..gusto din kita!"
Nagulat ako dahil bigla sya nagsalita. Akala ko wala na syang sasabihin eh. Napangiti ako, alam ko naman na gusto nya ko. Halata sa galaw nya.
"talaga?" nakangiting sabi ko.
Yumuko sya dahil nahihiya sya sakin.
"gusto mo bang tayo na?" sabi ko.
"h..huh? Hindi ba ambilis naman ata?" tanong nya.
"eh ano naman? Eh gusto naman natin isa't isa" bahagya syang napangiti sa sinabi ko. Kinilig ata.
Inakbayan ko sya.
"kaya lang alam mo may problema ako" sabi ko."a..ano yun?" sabi nya.
"kilala mo naman si Migo diba?" tumango sya. "epal yung pinsan ko na yun eh"
"bakit?"
"sinusumbong nya kasi ako kanila dad at lolo kaya lagi akong badshot. Alam mo yung gag*ng yun kalalaking tao. Sumbungero. Namumuro na sya sakin. At pano pag naging tayo na. Baka pati ikaw idamay nya" bahagya syang napaisip.
"pwede ba ko humingi ng pabor?" sabi ko."ano ba yun?" tanong nya.
"pwede bang paibigin mo sya? Pagkatapos nun iwan mo para mabaliw hahaha makaganti man lang ako sa kanya"
Kumunot ang noo nya.
"h..huh? Bakit ako? Hindi ko naman ata kaya yun?"
Hinawakan ko ang braso nya at hinarap sya sakin. Pasimple kong inaayos ang buhok nya. Lalo syang namumula sa ginagawa ko.
"sige na.. Hahayaan mo ba ko na di man lang nakaganti sa gag*ng yun?" pagpapaawa ko.
Tangina ayaw nya tanggapin. Nakakainis ang babaeng 'to!
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...