Zic POV
(school)
Agad kong hinanap si Denise. Ilang araw ko na din syang di nakakausap.
Kalat na sa school na naging girlfriend ko sya habang sila ni Migo. Ilang araw ng di nakakapasok si Migo. Masyado syang naapektuhan ng nangyari at natutuwa ako. Dapat lang yun sa kanya.
Nagbabaan din ang grades nya dahil ilang exam ang di nya napasukan.Running for valedictorian pa naman sya. Tiyak na matutuwa sakin nito si daddy.
Nakita ko si Denise na mag-isa lang. Andito lang sya likod ng bldg A. Wala namang tao dito.
"Denise.." tawag ko sa kanya. Agad nya pinunasan ang luha nya.
Umiiyak ba sya?
Lumapit ako at nakitang namumula ang ilong nya. Kakatapos nga lang nya umiyak. Tss.
"bakit ka umiiyak?" nakakunot noong sabi ko. Iniiyakan ba nya ang lalaking yun?!
Pakiramdam ko nagsisisi sya eh. Alam ko nakokonsensya lang sya sa ginawa namin pero hindi nya mahal si Migo dahil ako lang ang mahal nya.
Umakma akong hahalikan sya kapalit yun sa pagsunod nya sa mga utos ko. Alam ko naman na gusto nya. Pare parehas lang silang mga babae. Konting yakap konting halik bibigay to sakin.
Nung hahalikan ko na sya .
U..umiwas sya? Umiwas sya sa halik ko ?!Hinawakan ko ang braso nya sa inis.
"tinatanggihan mo na ko ngayon?!" dumiin ang hawak ko kaya nasaktan sya. "bakit?! Wag mo sabihing nagugustuhan mo si Migo?! Di ba sabi mo ako ang mahal mo?!"
"nasasaktan ako Zic.."
"nakita mo ba ang hitsura ni Migo nung gabing yun! Nanalo ako sa kanya kaya may premyo ka sakin." nakangising sabi ko. "isang gabi lang Denise. gusto ko may mangyari satin. Ibigay mo sakin ang sarili mo para mas lalong masaktan si Migo!"
"ano bang pinagsasabi mo?!" pilit nyang tinatanggal yung hawak ko sa braso nya. "hindi ka pa ba masaya? Nasaktan natin si Migo. Nasira ako sa lahat ng tao dito. Halos lahat galit sakin. Hindi ikaw ang nagsuffer Zic. Bakit ako lang? Bakit sakin lang sila galit?!"
*boogsh!
Nagulat kami parehas ng biglang may sumapak sakin.
"anong problema mo?!!" pikon na sabi ko.
"wala.. Gusto ko lang manapak. Sakto nakita kita. Practice lang" si Migo.
"M..Migo.." si Denise. Tinignan lang sya ni Migo ng masama at agad ding umalis.
Iniwan ako ni Denise at sinundan si Migo!
Baliw ang babaeng yun! Bakit nya sinundan si Migo!
~~~~~~~❤~~~~~~~
Denise POV
"Migo.. Migo.. Plss kausapin mo ko. Makinig ka sana sakin" dire diretso sya naglakad.
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...