Denise POV
"Ziiicccc" nagtatakbo ako at niyakap sya. Sobrang miss ko sya.
Sa sobrang close namin ni Zic. Malaya syang nakakalabas masok sa bahay namin. Lagi syang andyan para sakin. Wala naman kaming relasyon pero hindi lang sya basta kuya para sakin. May pagkastrikto lang sya. Andami nyang pinagbabawal pagdating sakin.
"bakit ngayon ka lang nagpakita? Di ka naman sumasagot sa tawag ko" umiiyak na sabi ko. " hirap na hirap ako dito. Naubos pera ko hindi ko mapaopera si papa. Tp.."
"pssshhhh" niyakap nya ko at hinimas ang buhok ko. "tahan na ok.. Andito na ko. Hindi na kita iiwan" hinalikan nya ang noo ko. Namiss ko si Zic.
"madami akong inasikaso sa villa, andaming problema kaya ngayon lang ako nakabalik. dito na ko tutuloy. Ayos lang ba sayo? Sorry Denise, ano bang nangyari sa papa mo"
"Zic.. Ilayo mo na kami dito pls. Si kuya kasi.. ano.."
"ano?? Anong ginawa nya sa inyo??" nag-aalalang sabi nya. Naku po, bakit ko ba nabanggit si kuya "sabihin mo!" biglang nagbago mood nya. Natakot ako bigla. Ayan ang kinakatakot ko kay Zic. Napapaaway sya pag may nanakit sakin.
"oh Zic.. Andito ka pala" napatingin kami. Si kuya.. "baka naman .. May maabot ka dyan matagal nang walang lagay ah" sarkastikong sabi nito.
Ngumisi si Zic. Lumapit sya kay kuya pero pinigilan ko sya. Binitawan ako ni Zic at dumiretso pa din kay kuya.
Kinuwelyuhan nya ito at galit na galit.
"anong ginawa mo kay Denise?!! Ha?!" sigaw nito. Pinipilit ni kuya na pumalag pero mas malakas si Zic sa kanya.
"wala akong ginagawa?! Denise ano ba!? Magsalita ka nga dyan!" si kuya.
"Tama na Zic. Ok lang kami. Plss.. Tama na yan" pagpigil ko. Kahit papano ayoko namang magkaaway silang dalawa.
"sa oras na malaman kong may ginagawa kang kalokohan kay Denise. Sinasabi ko sayo. Hindi mo magugustuhang kalabanin ako!" seryosong sabi ni Zic.
Binitawan nya si kuya sabay hatak sakin. Umalis kami ng bahay dalawa. Hindi ko alam kung san nya ko dadalhin. Pero sigurado ako na galit sakin ngayon si kuya.
~~~~~~~~~~~
Binuksan nya ang isang chocolate drink at inabot sakin. Habang sya naman ay nakabeer. Tahimik lang kami. Minsan hindi ko alam.. Kahit gusto ko si Zic parang may nararamdaman akong lungkot pag kasama ko sya.
"kelan mo ba ko dadalhin sa inyo? Never pa kong nakapunta dun? Gusto ko din syempreng mameet mga relatives mo at s..."
"di ba sinabi ko na. Hindi kita pwedeng dalhin dun. I..I mean.. pwede pero hindi ngayon. Basta.. Madami pang problema" iritang sagot nya. Kahit kelan ayaw nya ko papuntahin dun. Di naman ako mangungulit eh.
"m..may itatanong sana ako?" sabi ko.
"ano yun?" sabi nito at muling tinungga ang beer.
"may kilala ka bang Ciro Davis?" nagtaka sya sa tanong ko" Kasi kung umasta sya para bang may masama akong nagawa sa kanya? eh ngayon ko lang sya nakilala"
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...