Allison POV"bakit ganun? Bakit biglang naging sya ang fiancee mo?!!" galit na sabi ko. Pilit naman ni Zic pinapakalma ako. Naiinis talaga ako.
"ano ka ba?? It's part of the game! Maghintay ka lang sa mangyayari" sabi nito.
"part of the game?!! Alam mo bang kapal ng mukha ng babaeng yun at sinasabing inggit ako sa kanya! Bakit ba ayaw mo pa kasi sabihin ang totoo! Naiirita ako sa pagiging feelingera nya or baka naman gusto mo na din sya"
"no way.. Hindi yan mangyayari. trust me ok.." pasimple nya kong niyayakap at hinahalikan ang pisngi ko. Akala nya ata madadaan nya ko sa ganun!
"siguraduhin mo lang! Dahil parehas ko kayong ililibing ng buhay!"
"hmm.. Bakit di mo din kaya itry di ba.. Maganda ka naman.. Pag nagkagusto sayo si Migo. Maniwala ka.. Si dad mismo ang magpapakasal sayo sakin"
"tss. At pati ako gagamitin mo!"
"why not? Maganda ka namang hindi hamak kay Denise at isa pa.. Nakakaakit ka.. Lalo na ang katawan mo" pinisil nya ang bewang ko at hinatak ako papalapit sa kanya. "pwede ko bang tikman to.." turo nya sa dibdib ko.
Hinalikan nya ko. Wala akong nagawa.. Pag gusto ni Zic, gusto nya. Lumaban din ako ng halik dahil nagsimula na rin mag-init ang katawan ko dahil sa kanya.
~~~~~~~❤~~~~~~~
Migo POV
Nasan na kaya si Denise? Kanina ko pa sya hinahanap.
Muli kong tinignan ang kwintas na hawak ko.
Denise
Yun ang nakaukit sa pendant nito. Excited ako ibigay sa kanya yun. Patuloy ako sa paglalakad. Natigil ako nang makita si Zic?
May kahalikan syang isang babae. Tss. Kulang na lang may mangyari sa kanila. Walang pinipiling lugar.
Napansin kong yun ang kapatid ni Denise na si Allison.
Akala ko tahimik lang yun pero wild. Gagawin ka lang libangan ni Zic. Hindi naman yan nagseseryoso sa babae.Alam kaya yan ni Denise?
Umalis na ko. Nagmumukha akong tsiamoso eh wala naman akong paki kay Zic.
Nakita ko si Denise kasama sila Cami.
"ayan na Prince charming mo.." kantyaw nila samin.
Nginitian ako ni Denise. Naiwan kaming dalawa at nauna na mga classmates namin.
Inaya ko syang pumunta sa rooftop.
"maggagabi na" sabi nya. Parang wala syang gana.
"basta.. Maganda sunset dun.. Tara" hinatak ko sya hanggang rooftop.
Pagdating dun.. Napakaganda ng tanawin. Hindi na masyadong mainit. Dahil maggagabi na.Nakangiti syang tinitignan ang magandang paglubog ng araw. Grabe.. Napakaganda ng ngiting yun.. Lalo akong nahuhulog sa kanya.
Hindi ganun kaganda si Denise gaya ng ate nya. Pero masasabi kong napakacute nya. Lahat ng gawin nya cute para sakin.Bigla syang tumingin sakin. Kinakabahan na naman ako. Pag malapit sya sakin. O nakikipagtitigan sya sakin. Kinakabahan ako.
Teka? Bakit ba parang ang seryoso nya?
"M..Migo may sasabihin sana ako sayo"
"hmm.. Sige pero ako muna.." nilabas ko yung kwintas at isinuot yun sa kanya.
"ano yan?" tanong nya.
"wag kang malikot" sabi ko. Likot na bata eh hahaha. Naisuot ko yun sa kanya. Iniharap ko sya at tinignan. Bagay na bagay yun sa kanya. Lalo syang gumanda suot yun.
"a..no to? Para san?"
"wala lang gusto lang kitang bigyan" sagot ko.
"p..pero ayoko.. Hindi mo dapat ako binibigyan ng ganito" sabi nya. Ayaw nya talaga na binibigyan ko sya. Eh bakit ba? Gusto ko eh.
Hinalikan ko sya sa labi. Smack lang.
"simula ngayon masanay ka na. Ibibigay ko kahit ano para sayo. Kahit hindi mo hilingin ibibigay ko. Maging dsserve lang ako sayo. Corny ba? Pero kasi Denise.. Hindi ko din maintindihan eh.. Grabe.. Sobrang tinamaan ako sayo.. Di ka na nga naalis sa isip ko. Puro na lang ikaw laman nito. Salamat kasi ikaw lang nagparamdam ng pagmamahal na hindi ko nakita sa iba." hinawakan ko ang kamay nya at hinalikan ito. "Denise mahal na mahal kita" nakangiting sabi ko.
Nakatingin lang sya sakin. Bakit ang lungkot lungkot ng mukha nya. Feeling ko naiiyak sya. Dahil ba sa saya?
"ikaw ba mahal mo ko? Gusto kong marinig kasi ako mahal na mahal kita. Ayaw kita malayo sakin. Gusto ko lagi ka kas--------"
Natigil ang sasabihin ko dahil bigla nyang hinawakan ang pisngi ko at hinalikan ako sa labi.
Ngayon nya lang ako hinalikan. Lagi kasing ako ang nagnanakaw ng halik samin.
Napakainit ng halik na yun. Napakalambot ng labi nya. Pumikit ako dahil gusto ko pang maramdaman ang halik na yun.
Hindi nya sinagot na mahal nya ko pero sapat na ang ang halik na to para malaman ko kung ano ang sagot.
Umikot ang kamay ko sa bewang nya. At idiniin sya sakin. Nilabanan ko ang halik na yun.
Eto na ata ang pinakamasayang araw sa buhay ko.
Iniangat nya ang ulo nya at muling tinignan ang mukha ko. Hinawakan nya ang labi ko. Kaya napangiti ako, pagkatapos ay hinalikan nya na naman ako.
Napakasaya ko.
Hindi na namin nakita ang paglubog ng araw. Pero ok lang.
Madami pa ang paglubog ng araw na magaganap.
Gusto kong sulitin kung gano ako kasaya sa gabing ito.~~~~~~~❤~~~~~~~
Denise POV
Pagpasok ko sa kwarto. Hindi ako agad nakapagbihis.
Nahiga ako sa kama at nakatingin lang sa kisame.Napangiti akong hinawakan ang labi ko. Bakit parang kinikilig ako dahil kanina?
Sobrang natouch ako sa sinabi nya. Napakasweet ni Migo sa totoo lang. Napakaswerte ko na nga sa kanya kung sa tutuusin.
Teka.. Naalala ko. Hindi ako pwedeng mainlove sa kanya... Haysss...
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan. Naguguluhan ako?? Bakit ganito..
Magagalit sakin si Zic pag nalaman nyang kinikilig ako kay Migo. Mababaliw na ko. Hindi na tama to. The more na pinapatagal ko. Baka lalong lumala sitwasyon.
Kailangan ko ng sabihin ang totoo anuman ang mangyari.
Kung magagalit sya tatanggapin ko. Pero hindi ko kakayanin mahulog pa kami lalo sa isat isa.~~~~~~~❤~~~~~~
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...