Chapter 06
Denise POV
Kasama ni Migo mga kaibigan nya. Wahahahaa may naiisip na naman ako.
"hi babe" feeling gf na sabi ko.
"naks babe daw oh" si James.
"hahaha kaya idol ko tong si Denise eh. Babaeng hokage. Di ba sakura? Hahaha" sakura tawag sakin ni Stephen dati pa.
Kumunot ang noo ni Migo. "ikaw na naman? Ano bang problema mo?"
"ikaw ang problema ko! Hindi mo na ba talaga ako mahal ha?! Kelan lang ang saya saya pa natin sa batis. Dun pa nga natin ginawa yung ano eh.." umacting akong umiiyak. Naalarma sya nung sinabi kong may ginawa kami.
"pare anong ginawa nyo sa batis?"
"edi yung ginagawa ng magjowa" sabat ko.
"pare ha.. Hindi namin alam hahahaha very good"
"aba't sinungaling ang babaeng yan!" si Migo.
"namimingwit kami kayo naman.." sabi ko.
"namimingwit lang naman pala pare eh. Bakit namumula ka? Hahaha" inaasar nila si Migo.
"bakit Migo may iba pa ba tayong ginawa? Hahahah" nahinto ako dahil bigla nya kong kinuwelyuhan.
Hala.
Natakot ako bigla.
"di ka titigil ha"
"uy pare babae yan"
Binitawan nya ko at naglakad palayo.
"bakit ha? Hindi mo ba ko type? Bakit wala ka pang nagiging gf? O baka naman.." lumapit ako "lalaki gusto mo. Bakla ka noh.."
Huminto sya at humarap sakin. Ngumisi sya.
Bumalik sya sakin tapos..
Wwooowwwww
"bakla ba kamo"
Bigla nya kong hinalikan.
Natigil ako.
"eto ba gusto mo"
Tapos hinalikan nya ulit ako.
Huminto sya sa paghalik at ngumisi. Nakita ko nang malapitan ang mukha nya.
"mangulit ka pa.. Hindi lang yan gagawin ko sayo. Baka bigyan talaga kita ng anak, mag-iiyak ka sa harap ko"
Napako na ko sa kinatatayuan ko.
Seryoso ba? Hinalikan nya ko??
"hinding hindi ako magkakagusto sayo kahit anong gawin mo. Kaya tumigil ka na" naglakad na sya palayo sakin.
"huy galaw galaw baka mastroke hahahaha" si James.
Nakakainis sya! Kinusot ko ang labi ko!
Tinignan ako ng mga estudyante at nagbubulung bulungan.
Bakit nya yun ginawa?! Nagjojoke lang naman ako ah..
Tss. Ang yabang mo Migo. paninindigan ko 'to. Sisiguraduhin kong maiinlove ka din sakin!
~~~~~~~❤~~~~~~
BINABASA MO ANG
How to unlove you (Part1 Complete)
Romance"Magbabayad ka sa ginawa mo! Sisirain ko ang buhay nyo gaya ng ginawa nyo sa pamilya ko!" -Ciro Davis Binalak patayin si Migo Saavedra at ang mga magulang nya ng sariling kapatid ng daddy nya dahil lang sa mana. Pati ang babaeng minahal nya ay nagaw...