Chapter 50

13 0 0
                                    

NATALIA'S POV

Maaga akong natapos sa mga gawain ko ngayong araw kaya naisipan kong bumisita sa site. Alas-dos palang ng hapon at malapit-lapit lang naman ang lokasyon.

Bago pumunta, dumaan muna ako sa drive-thru at bumili ng pagkain para sa mga nagtatrabaho sa site.

Pagbaba ko ng kotse, binitbit ko ang mga plastic bags na may lamang pagkain at agad akong nagtungo sa site.

Nakita naman agad ako ni Engineer Montenegro at sinalubong niya ako ng nakangiti.

"Ms. Martinez, what are you doing here? I wasn't informed that you'll have a site inspection today." sabi niya.

"Ow, no worries. Biglaan lang naman ito. Natapos ko kasi nang maaga ang trabaho sa opisina, at wala rin akong magawa, kaya naisipan kong bumisita." paliwanag ko.

"Ah, akala ko namimiss mo lang ako, eh." biro niya.

Napakunot ang noo ko at natawa.

Inangat ko ang mga dala ko. "Saan ko pwedeng ilagay ito? This is food for you guys. Meryenda muna kayo." sabi ko.

Kinuha niya ang mga bitbit ko. "Ay naku, ikaw talaga. Ako na, ang dami naman nito." sabi niya habang kinuha ang lahat ng dala ko.

"Doon na lang tayo sa office. Mainit dito, kawawa ka naman." natatawang sabi niya.

'Wow ha.''

"Everyone! Tama na muna 'yan, meryenda muna tayo! May dalang pagkain si Ms. Martinez para sa atin!" malakas niyang anunsyo.

Nagsitigil sila sa trabaho at mabilis na nagsilapit.

"Thank you po, Ma'am!" masaya nilang sabi.

Ngumiti lang ako sa kanila bilang sagot.

Sumunod ako kay Engineer Montenegro habang binibitbit niya ang pagkain. Pinangunahan niya ako papunta sa site office nila. Pagpasok namin, naroon din sina Engineer Muhlach at Engineer Olviga. Bumati sila sa akin.

"Meryenda muna kayo." alok ko sa kanila habang inilalapag ni Engineer Montenegro ang mga pagkain.

"Ay naku, salamat po." nahihiyang sabi ni Engineer Olviga. Inabutan sila ni Engineer Montenegro ng pagkain, at inalok naman ako ni Engineer Muhlach ng upuan, na ikinapasalamat ko.

"How's the construction? Do you need anything?" tanong ko.

"It's good. Everyone is doing well." sagot ni Engineer Montenegro. "So far, wala pa naman kaming kailangan."

Tumango ako. "That's good to hear. And if you guys need anything, you can message me anytime. Here's my number." Kinuha ko ang tatlong business cards mula sa bag ko at inabot sa kanila.

"Textmate na tayo gabi-gabi." biro ni Engineer Montenegro, at nagtawanan na lang kami.

Nag-usap pa kami nang kaunti. Nagtanong-tanong ako tungkol sa progreso ng site at nakipagkuwentuhan. Pero hindi rin ako nagtagal at nagpaalam na rin ako. Ayoko nang maabala pa sila sa kanilang trabaho.

I got home early, and while walking along the pathway toward my room, I noticed one of the maids coming out of Axel's room. Instead of heading straight to my room, I decided to check on him.

"How is he?" I asked as I passed the maid who had just left his room.

"Okay naman po, Ma'am." she replied.

"Gising ba siya?" I inquired further.

"Opo." she answered.

"Thanks." I gave her a small pat on the shoulder before heading to Axel's room.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stupidly Inlove AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon