NATALIA'S POV
MARTFORD Resort Hotel
Basa ko sa nakasulat sa tarpaulin sa stage.
Today is our groundbreaking ceremony. Finally, after how many weeks of preparation, we are now starting in making this project into reality.
Iginala ko ang paningin ko. Everyone is busy preparing for our event later. Alexander is still not here. Medyo maaga pa naman kaya okay lang.
Actually, wala pa dapat ako dito dahil hindi ganitong oras ang nakatakda para sa pagdating ko, pero sinadya ko talagang maging maaga today because I want to see that everything is okay before they arrive.
Hindi ko alam, pero lately, ever since I held this project, natatakot akong magkamali. I want everything to be perfect. I don't want to disappoint anyone... especially Alexander.
"Ma'am, upo po muna kayo doon. Baka mangawit po kayo diyan." nag-aalalang saad ni Allison nang lumapit siya.
I smiled. "It's okay, don't worry about me." Tumingin ako sa orasan ng cellphone ko. "Ilang minuto na lang din naman at parating na sila. Is everything okay already?" I asked.
"Yes, Ma'am. Nakaayos na po. We are just waiting for their arrival." sagot niya.
Tumango na lang ako at umalis na siya.
Maya-maya pa nga ay unti-unti na silang nagsisidatingan.
Unang-una kong nakita si Engineer Montenegro na may mga kasama. Papunta sila sa gawi ko.
"Good morning, Ms. Martinez." nakangiting bati niya.
'Lagi ko na lang siyang nakikitang nakangiti. Kahit ata natutulog, nakangiti siya.'
"Good morning, Engineer." sagot ko, nakangiti rin.
"Ah, by the way, kasama ko ang ilan sa team ko—si Engineer Olviga and Engineer Muhlach." pagpapakilala niya. Nalipat ang tingin ko sa dalawang kasama niya.
"Hello." bati ko, nakangiti.
"Good morning po, Ms. Martinez." bati ni Engineer Muhlach at nakipagkamay. Ganoon din si Engineer Olviga.
"Excuse me po, kuhanan ko lang po kayo ng picture." biglang sumulpot ang isang photographer.
"Yeah, sure." sabi ko.
Umayos kami ng tayo at pumwesto. Katabi ko si Engineer Montenegro.
Ilang beses kaming kinunan ng picture. Akala ko tapos na, pero humirit bigla si Engineer Montenegro.
"Kami lang namang dalawa ni Ms. Martinez para may picture ako sa idol ko." tatawa-tawang sabi niya.
'What? Siraulo.'
Napatawa na lang ako habang tumatabi sa kanya.
'This man, he never changed. Loko-loko pa rin.'
Maging ang mga kasama niyang engineer ay napapailing at nagpipigil ng tawa habang pinapanood kami.
We were so close, and he was even holding my waist, but it's fine. We know each other, and magaan naman ang loob ko sa kanya kahit noon.
"There you go. Thank you." sabi niya sa photographer bago ito umalis matapos kaming kuhanan.
Nagpaalam din iyong dalawang engineer na may pupuntahan sandali, kaya kaming dalawa na lang ang naiwan.
"Grabe, hindi ko inakalang magkakasama tayo sa isang project one time." nakangiti niyang sabi.
Natawa ako. "Ayaw mo ba?" pabiro kong tanong.
BINABASA MO ANG
Stupidly Inlove Again
RomanceMay mga tao talagang kahit ilang ulit silang lokohin ng taong mahal nila, patuloy pa ring maghihintay at magmamahal. May mga pagkakataon na kahit sinasampal na ng katotohanan, patuloy pa rin silang naniniwala sa mga kasinungalingan, dahil nga ba mah...