Chapter 10: Banter

4.8K 120 3
                                        

MAAGANG nagising si Zeus sa sumunod na araw at papito-pito pa ito na dumulog sa lamesahan. And he felt very happy for once in years.

Nakangiting pinapanood siya ni nanay Rita na nakangiti at siyang-siya sa nakikitang kasiyahan ng kanyang alaga.

"Magandang umaga ho, nanay Rita," bati niya bago umupo.

"Magandang umaga naman sayo, anak," saka nito sinalinan ng mainit na kape ang itim nitong mug na nasa tabi ng plato at kutsara.

"Mukhang maganda ang gising mo ah?" komento ni nanay Rita, supil supil ang tawa.

Ngumiti ng matamis ang binata sa matanda, at parang namamalikmata naman si nanay Rita sa nakita.

Si Ivanzeus ang pinakaseryosong Monte Carlo at ang pangalawang si Hadeon Sebastian o Hades. Kabaligtaran naman nila si Acheron (A-kraa-n) Lex or Achilles. Masayahin ngunit may temperamental. Pag galit, nawawala na ang tamang pag-iisip.

Sabi nga ng mga taga Monte Carlo, siya ang nagmana sa ugali ng ama.

Si Aristotle Estevo o Ares ay masayahin din at tulad ni Achilles, mainitin din ng ulo. Just like any other family, there's always a black sheep. And with the Monte Carlo, Ares is the black sheep.

"Maganda ang tubo ng mga palay at siguradong maganda rin ang ani kung hindi abutan ng bagyo, Nay Rita."

Pinilit na sinusupil ni Zeus and kanyang nararamdamang kakaibang kaligayahan dahil ayaw nitong mag-isip ang kanyang mga kasambahay.

"Masisipag ang mga trabahador mo kasi, Zeus. Kaya't paniguradong maganda na naman ang ani," turan ng kanyang yaya.

Tumango-tango lang si Zeus habang sumusubo ng kanin. Ang kanyang isip naglalakbay sa dalagang kinaiinisan niya at biglang kinaaliwan niya.

"Dumating na si Ares," biglang sabi ni Nay Rita at bigla naman siyang napatigil sa pag-subo. Ang kanilang magaling na kapatid ay dumating na pala.

Hindi nagkomento si Zeus at ipinagpatuloy ang pagkain. Ayaw niyang masira ang kanyang mood, ngunit ayaw patigil ang kanyang yaya.

"Hindi mo ba siya bibisitahin?" tanong nito na ikinatingin niya sa yaya.

Umiling- iling si Zeus. "Marami akong gagawin ngayon, Nay Rita. Makikita ko rin siya pagpunta ko ng bayan bukas," saas nito at saka tinapos ang pagkain.

"Batang iyon, hindi mapirmi!" napapalatak na saad ng kanyang yaya saka tumalikod na ito at pumunta ng kusina.

Pagkatapos niyang ubusin ang kanyang kape, mabilis siyang bumalik sa kanyang kwarto at papito-pito pa sya.

Nasalubong niya sa hagdanan si Michelle. Pababa ito at pataas naman siya.

"Mukhang masaya ka ngayon ah?" Komento nito at hindi rin nalingid sa mga mata ng dalaga ang kanyang nararamdaman.

"Hindi ba pwedeng maging masaya sa araw na ito?" medyo iritadong saad niya at bigla din siyang nagsisi.

Walang ginagawa ang dalaga para taliman nito ng tinig.

Hindi pinansin ni Michelle ang kanyang tono, at sanay narin ito sa kanyang laging galit na anyo at tinig.

"Nakakanibago kasi," tumaas lang kanyang balikat saka ito ngumiti ng pagkatamis-tamis. "Nilinis ko na ang kwarto mo. Kung may kailangan kapa, boss, nasa kwarto ko lang ako," matamis na sabi nito at napailing nalang siya.

"Sige," mabilis niyang sagot at saka ipinagpatuloy ang pag-akyat ng hagdan papuntang kwarto niya saka siya naghanda.

Dadalhin niya si Aliyah sa bayan at mapalitan ang kanyang cellphone. Sa naisip, parang may pakpak siyang naghanda.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon