Chapter 36: Bliss

3K 83 4
                                    

            ANG laki-laki ng ngiti ni Aliyah habang hinihintay nito si Zeus na nagpaalam sa kanilang hardinero, at napapantistikuhan siya sa iniakto nito, pero sa nakita niyang malaking respeto sa mga taong nagtatrabaho sa kanila, and what he did was out of respect. 

At sa tuwing nakikita niya itong napakarespetuhin sa anumang klase ng tao o sa kahit anong katayuan sa buhay ng mga taong nakakasalamuha nito, lalong lumalalim ang nararamdaman niya rito.

Nakacargo shorts lang ito ng army green at puting polo shirt, pero kahit yata basahan ang isuot nito, para parin itong nabuhay na modelo mula sa GQ magazines.

Napapalunok nalang si Aliyah habang pinapanood nito sa malayuan ang magandang tindig ng katipan niya mula balkonahe niya.

Nakapamaywang ito habang kausap si Mang Isko. Nagmukhang dwende si Mang Isko sa harapan niya, may hawak din itong gamit pang garden.

Umangat ang kanyang tingin sa sikat na sikat na araw, at mukhang nakikisiya sa kanyang nararamdaman.

Bright and breezy.

Nawala lang ang atensyon niya kay Zeus ng maramdaman niya ang yaya nitong bumalik muli. 

Pang-ilang beses na itong bumalik at dahil kilalang-kilala ni Aliyah ang yaya niya, alam niyang naghihintay ito ng kwento sa kanya.

Supil ang ngiting hinarap niya ang yaya niya.

Kita niya ang interest sa medyo kulubutang mukha ngunit walang tanong na lumabas sa bibig nito. Naghihintay lang ng sasabihin niya habang walang pagmamadaling nililinis nito ang mesa. Nakakailang balik na ang basahan sa mesa. 

"Bumigay na ako, yaya," kumikinang ang mga mata niyang bulalas at manghang tumitig ang yaya niya sa kanya.

May pag-aalalang nakarehistro sa mukha nito.

"Anak, naman!" parang maiiyak nitong sabi, ngunit ng matitigan nito ang kanyang mukha at nakita nito ang  labis na kaligayahan sa mga mata niya, nakita niya sa wakas ang pagsilay ng ngiti.

"Kung masaya ka, at alam mong siya lang ang lalaking gusto mong makasama habang-buhay, masaya na rin ako para sayo, anak. Medyo nag-aalala parin ako, hindi ko tunay na kakilala si Ser Zeus, pero nakita ko naman na nagsisikap siya na maging  karapat-dapat sa iyong pagmamahal," sabi ng yaya niya at lumuwang ang kanyang ngiti.

Nilapitan niya ang yaya niya saka niyakap habang natatawa sa reaksyon ng yaya niya. 

"Diyosko, mag-aasawa na ang alaga ko," sabi pa nito na ipinaikot ang kanyang mga kamay sa beywang niya.

"Yaya, OA ka. Hindi pa nagpropose si Zeus—"

Bigla itong bumitaw sa kanya at kumunot lalo ang medyo kulubutan niyang noo at nanggigilalas na tinitigan siya, hindi na nga niya hinintay siyang patapusin sa kanyang salita, dahil sa matinding pagkadisgusto. 

"Aba! Kung isinuko mo na, kailangan niyang panagutan ka? Paano kung buntis ka?" 

Humagalpak siya ng tawa.

Sinapak naman siya ng yaya niya gamit ng kamay nito, ngunit di naman kalakasan. Lumayo siya rito bago may sumunod pang isa. 

Nasanay na siya, habits na niya ito pag nagagalit sa kanya at hindi nito napapansin, nasasapak na niya siya.

"Pinagloloko mo ako!" sita nito. "Sabi mo binigay mo na!" sumama ang tingin nito sa kanya.

Lalo siyang natawa.

"Ang sabi ko, bumigay na ako. Hindi ko binigay, hindi ko na pinatagal pa ang panliligaw nito," hindi matapos-tapos na tawang sabi nito.

"Dyaske ka bata ka. Alam mo naman na tumatanda na ako, kuh, gagamit ka ng diretsong salita," lumalaki ang mga mata nitong sita niya, at humahagikgik siyang tumango.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon