"Drat! I hate this!" naiinis na bulong ni Aliyah habang nagpapaypay ito sa kanyang sarili gamit ng kanyang kamay.
"You, young lady, has to go with yaya Bebang until I've settled this mess you've created!" boses ng kanyang galit na galit na ama.
Hindi naman niya sinasadya eh. Mas makapal lang talaga ang mukha ng babaeng iyon kaysa sa putik na nasa paligid ng kinatatayuan niya.
Hindi parin niya matanggap ang ginawa ng mga magulang nito. "Gosh, I can't believe I'm in the middle of nowhere!" gigil na gigil nitong kwestyon sa sarili habang ang isang kamay nito nakataas —hawak ang latest iPhone niya, naghahanap ng signal.
Panay parin ang paypay nito sa kanyang sarili gamit ng isang kamay habang naglalakad upang mahanapan ng signal ang cellphone, nang hindi tumitingin sa makitid na nilalakaran.
"WHAT ARE YOU DOING?" malakas na baritonong boses ang sumindak sa kanya, dahilan upang mawalan siya ng balanse at dumagdag pa ang batong nakausli at huli na bago nito mapansin kaya't ang bagsak, malakas na lagapak ng tunog ang pumailanlang sa paligid kasabay ng malakas niyang tili ng maglanding ang buong likuran nito sa putik na may kakatanim na palay.
Lalo siyang naghisterya ng makita nito ang cellphone niyang tumaob sa putik. Kalahati ng gadget nalang ang nakikita niya dahil nakabaon ang kalahating katawan ng bagong-bago nitong fon.
Hindi nito alintana ang kakatanim na palay, at galit na galit itong tumayo habang mangiyak-ngiyak na pinapagpag ang fon nito na ngayon ay puno na ng putik.
"Argh!" malakas nitong sigaw dagil sa sobrang inis niya, halos iiyak na ito sa sobrang ngitngit. Kaya't naibato niya ang kanyang cellphone habang pilit na pinipigilan ang luhang nakaamba dahil sa namumuong inis sa dibdib nito.
Lumipat ang tingin nito sa lalake. Naniningkit na tinapunan nito ng titig ang lalake. "WHAT THE FUCK IS WRONG WITH YOU?" Gigil na gigil niyang sigaw din sa lalakeng nakatayo sa harapan nito ngayon, habang siya ay pumipilit tumayo ng tuwid, binabalanse ang katawan wag muling matumba sa putikan.
Halos maiyak na siya sa sobrang panggigigil sa taong sanhi ng kanyang pagkahulog, dahilan upang lamunin siya ng putik at ngayon, ang puti niyang long sleeves na pinatong niya sa itim niyang tank top para lang hindi siya masunog sa init ng araw ay kulay tsokolate na at sumisipsip na ito sa kanyang panloob at nag-uumpisa na siyang manlagkit. Nagpadagdag pa ang katotohanang wala ng kwenta ang kanyang cellphone. Yung na nga lang ang kaisa-isang bagay na nagpapasaya sa kanya at kabago-bago pa, at pasikretong ibinigay pa ng kanyang ama dahil ayaw siyang pagamitin ng kanyang ina ng kahit na anong gadget paalis.
Inignora niya ang pamumula ng kanyang mala-labanos na kutis dahil sa tindi ng araw.
"Binabayaran kita para magtrabaho, hindi para magrampa dito!" umuusok ang ilong ni Ivan na nakatitig sa maamong mukha ng dalaga. Hindi nito pinansin ang biglang pag-init ng katawan niya ng makita nito kung gaano kakinis na parang labanos sa puti ang kutis ng dalaga, idagdag pang parang manika ito sa ganda. Hindi rin nakabawas ang putik na ngayon ay nagkalat sa kanyang mukha at halos sumakop na sa buong katawan niya.
May konting awa siyang naramdaman rito dahil sa pagkakalubog ng cellphone nito pero iniwaksi niya agad-agad ang pagkaawa. Hindi niya ugaling maawa sa tao at walang patutunguhan ang awa.
Dahil sa awa, kaya siya naisahan nuon. Hindi na mangyayari iyon.
Naningkit naman lalo ang mga mata ni Aliyah sa sinabi ng lalaki. "Hoy, hindi ko kailangan ng pera mo!" galit din sagot nito sa nanggigigil na tono at lalong sinamaan ito ng tingin, tumaas pa ang kanyang noo para ipaalam ritong hindi siya nito masisindak.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomantizmSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
