Walang imik ang dalaga hanggang sa nasa daan na muli sila. Tuwang-tuwa naman si Zeus sa reaksyong nakita nito sa dalaga.
He knew it when a woman is jealous.
Papito-pito ito habang nagmamaneho at pangiti-ngiti pa siya ng di niya namamalayan.
"Ang ganda yata ng mood mo?" hindi mapigilang saad ng dalaga na ikinalingon ni Zeus rito, at lalo siyang natuwa sa nakita nitong galit sa mga mata nito na pilit nitong sinusupil.
Lumuwang ang ngiti ni Zeus.
Halatang pikon na pikon ang dalaga.
"Bawal bang maging masaya?" nakangising saad niya sa dalaga at nawala ang singkit ng mga mata ng dalaga. Napalitan ito ng ngising nakakaloko.
"Isang oras na kausap si Mary, ha?" ngumingising saad nito pero may talim ang bawat kataga.
Natawa si Zeus.
Kung alam lang nitong ang nasirang gripo nila sa kusina ang kinausap niya ng halos isang oras.
"Masayang kausap si Mary eh. Nakakalimutan mo ang oras," ngumising saad niya at ang ngisi ng dalaga namawala at napalitan ng pagliit ng mga mata nito.
"Nakalimutan mo ring may kasama kang nag-aantay!" nakakalokong saad nito.
May konting guilt namang naramdaman si Zeus pero sa nakikita niyang reaksyon ng dalaga, nawawala ito.
"Well, mas gusto mo namang hindi ako nakikita diba?" sagot niya sa mahinahong tinig pero may nakalakip na pang-aasar.
Marahas na huminga ng malalim ang dalaga.
Paniguradong pinipigilan nitong sakalin siya sa galit ng namumuo sa dibdib nito.
Matiim na magkalapat ang mga labi nito na tinitigan siya.
"At ano ang pinag-usapan niyo at inabot kayo ng isang oras?"
"Mga bagay-bagay," nagkibilit-balikat siya saka itinuon ang paningin sa kalsada, pero ramdam na ramdam niya ang tensyon na bumubuo sa pagkatao ng dalaga.
Rinig na rinig din niya ang paghinga nito ng malalim.
Pinigilan niyang mapahagalpak ng tawa.
"Tulad ng mga parte ng iyong katawan," patuyang saad nito, at ibinaling ni Zeus ang mga mata sa dalaga na ngayo'y nakatitig sa kawalan ng naniningkit na mga mata.
Kinagat ni Zeus ang pang-ibabang labi upang pigilan ang pagkawala ng tawang gustong kumawala.
"Parte ng katawan, I like that topic," pakunwaring wala lang sa kanya ang usapan.
Naramdaman niya ang pagbaling ng mga matatalim nitong titig. "Aha!" matigas nitong asik. "Sa susunod, magsabi ka at ng hindi ako parang tangang naghihintay, samantalang nag-eenjoy kang pinag-aralan ang mga parte ng katawan ng Mary na iyon!" galit na galit na asik ng dalaga at hindi na napigilan ni Zeus na mapabunghalit ng tawa.
Kailangan pa niyang itigil ang sasakyan sa tabi para lang hayaan ang tawang kumawala ng tuluyan.
Galit na galit namang nakatitig si Aliyah sa amo. At halos batukan nito ang sarili sa pag-alpas ng galit nito at tuloy, nagmukha siyang nagseselos na girlfriend.
Hindi nito mapigilan ang sariling magalit, at ewan niya kung saan nanggagaling ang galit na iyon.
"You're jealous," nakangising sambit ni Zeus ng matapos itong tumawa ng pagkalakas-lakas.
Umiwas naman ng titig ang dalaga. Hindi nito masalubong ang tagos na titig ng binata, at ang pagbaba ng boses nito at nging husky, hindi narin maignora ng dalaga.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
