Ivanzeus Miguel
Masakit na masakit na ang kanyang likuran dahil sa bigat ng dalaga na nakasandal sa kanya. Binabalanse kasi nito ang paghawak sa dalaga upang makatulog ng himbing at ang paghawak ng renda ng kabayo.
Hindi niya alam kung anong nag-udyok sa kanya upang gawin ito. Pwede namang si Balong nalang ang maghatid?
Isang malakas na hilik ulit ang nagpabaling ng kanyang atensyon sa dalaga. Bumaba ang kanyang tingin at natutok ito sa kanyang medyo nakabukang labi niya.
Napalunok muli siya. Hindi lang ang pagbalanse sa kanyang katawan ang kanyang pinoproblema ngayon. Pati na ang namumutok niyang pantalon dahil kung di ba naman wala sa lugar na bisitahin siya ng kalibugan?
Mahinang napamura siya lalo na ng medyo gumalaw ito at lalong isiniksik ang katawan sa kanya. Nasagi tuloy ang kanyang tigas na tigas na kaibigan. Kung may ititigas pa ito ay di niya alam. Basta't ang alam niya, hirap na siyang gumalaw.
Kung di ba naman kasi halos nakayakap na ang dalaga sa kanya, idagdag pa ang nakakahumaling nitong amoy. Hindi man kagandahan ang pagkakabukaka ng bunganga nito sabay hilik, ngunit kung bakit parang mas nakakaakit ito.
Kailan pa naging kaakit-akit ang naghihilik na babae?
Agad niyang ibinalik ang tingin sa medyo madilim na daraanan. Pilit inilalayo ang kanyang isip sa mabangong dalaga.
Ngayon, pinagsisihan niyang hindi dumaan sa short cut. Kung bakit kasi gusto niya itong parusahan?
Ngayon, sya ang nagdurusa. Idagdag pang hindi siya nakapangdamit pangkabayo.
Binigyan niya ng isang sipa ulit ang kabayo at medyo bumilis ito. Alam niya, malapit na sila. Ngunit malapit naring bibigay ang kanyang likuran.
"Tumatandan na yata ako," wala sa sariling bulong niya sa sarili.
Medyo bumibilis narin ang takbo ng kabayo. Alam niyang walang mga hukay o lubak ang daan kahit na hindi ito nasementuhan pa. Ilang beses narin naman siyang nakadaan dito.
Halos may kwarenta minutos din ang tinakbo ng kabayo na kung tutuusin, baka abutin lang ng trenta minutos.
Bago pa man bumigay ang kanyang kanang kamay, nakarating din sila sa wakas sa bahay ni Aling Bebang. Gustuhin man niyang wag gisingin ito, pero wala na siyang lakas na ibaba silang pareho ng walang babagsak sa kanila.
"Gising na, Prinsesa," mahinang niyugyog nito ito at lalong sumiksik lang ito sa kanya. Ang kanyang puwitan lalong kumuskos sa namimintog na niyang kaibigan.
Napamura siya sa loob-loob.
"Gising!" medyo may kalakasang sambit nito dahil sa sobrang inis na niya idagdag pa ang pagod na pagod na nitong katawan.
"Hmmm..." mahinang ungol nito at ipinagpatuloy ang tulog lang.
Yumuko siya at inilapit ang bibig sa kanyang tainga. "Aking Prinsesa, baka gusto mong bumag-"
"Ampk!" Naputol ang anumang sasabin nito ng nadikit ang labi ni Aliyah sa kanyang mga labi ng naalimpungatan ito sabay baling.
Lumaki rin ang mga mata ni Aliyah sabay lihis ng tingin at napatuwid ng upo.
"Saan na tayo?" tanong nito ng medyo paos na boses. Para namang nahimasmasan siya ng marinig nito ang boses niyang antok na antok pa.
"Dito na tayo," agad naman niyang sagot.
Walang sabi-sabing hinawakan niya ito sa beywang saka ibinaba. Napaiksi naman ang dalaga sa pagkagulat ng dumapo ang kanyang mga mainit na palad sa maliit nitong beywang.
![](https://img.wattpad.com/cover/138909759-288-k43490.jpg)
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...