Chapter 7: Kabayo

6K 218 49
                                    

        HALOS lumabas na ang mga mata niya sa laki dahil sa inis sa amo. Ayaw niyang makita ito o makausap man lang. Pagkatapos siyang inabuso, may mukha pa itong ipapakita sa kanya?

I mean abuso, dahil inabusado nito ang pagiging amo nito. Dapat hanggang walong oras lang dapat siya magtrabaho. Ang nangyari, halos katorse oras siyang nagtrabaho. Sa bahay nga nila, walong oras lang ang mga katulong nila.

Nanggigil siya sa inis na hinarap nito ang among madilim pa sa gabi ang anyo.

"Gusto kong sumakay ng kabayo," asik niya rito.

Wala na sa isip nito na amo niya parin ito. Pagod siya, tapos galit siya, kaya't wala na siya sa matinong pag-iisip.

Ganun siya, pag galit at pagod, hindi na nakakapag-isip. Nagiging taklesa narin siya.

"Gusto mong sumakay ng kabayo?" Paghahamon nito. "Abutin ka ng isang oras sa daan kung diyan ka sasakay?" nagpupuyos sa galit na tanong nito sa kanya sabay turo sa dambuhalang kabayo na mukhang maamong-maamo na ngayon. Sinalubong naman niya ito ng galit ding tono.

"Late narin naman ako, so anong ipinagkaiba nun?" inis niyang sagot. Tinaasan din niya ito ng kilay at lumipad narin ang kanyang mga kamay sa kanyang beywang.

Nagtigisan sila ng titig. Hindi siya nagpakumbaba. Humulagpos na ang kanyang galit kaya't wala na itong pakialam kung sino ang kaharap niya.

"Fine!" galit na asik din ni Ivan.

"Balong!" medyo malakas na tawag nito. Medyo nakalayo na pala si Balong bitbit ang kabayong si Thunder. Nangingintab ang kulay nitong bronze na ngayon niya lang napansin.

"Akina na si Thunder. Magpahinga kana," utos nito at napanganga siya sa narinig.

Ang akala niya, si Balong ang maghahatid parin sa kanya, kaya nga kunwari sinabi niyang gusto niyang sumakay ng kabayo eh.

Muntik na siyang napahilamos sa kabiguan. Naninibugho ang kanyang kalooban sa magkahalong inis at pagkabigo.

Gusto niya sanang bawiin ang sinabi kaso ayaw niyang magmukhang talunan. Panindigan nalang niya ang kanyang sinabi. Ang kinalabasan, nasa likuran siya ni kapre. At pilit niyang nilalayo ang kanyang dibdib na wag madikit sa likod nito pero lalo naman siyang hindi komportable sa pagkakaupo.

Ang takbo ng kabayo, hindi mabilis. At lalo siyang naggagalaiti sa inis. At talagang aabutin sila ng isang oras sa daan, baka bukas pa kung ganoon ang takbo ng kabayo.

"May balak ka bang magpalipas ng gabi sa daan? Dahil kung di mo bibilisan ang takbo ng kabayo, baka bukas makalawa pa tayo makakauwi?" inis na sita niya ng di na siya makatiis.

Ayaw niyang tumagal pa ang pagkakadikit ng kanilang katawan. Ayaw man niyang hawakan ito sa beywang, wala siyang magagawa. Baka mahulog siya, mas nakakahiya. Ayaw man niyang aminin, masarap sa ilong ang natural nitong amoy.

Madilim ang kapaligiran, ngunit may mga posteng nagkalat na may ilaw naman kahit papano, at may flashlight din silang dala. At mukhang gamay na gamay din nito ang daan kahit pa nakapikit ito.

Pinagsisihan na niyang nagpalit pa siya ng damit. Medyo masakit na ang kanyang balat sa sobrang hapit ng kanyang pantalon. Hindi naman niya akalain na sobrang laki ng kabayo at talagang napapabukaka ng maigi.

"Pag binilisan natin, mahirap makita kung patag ang daan. Baka may mga hukay diyan, mahulog tayo," sagot nito sa malumanay na tinig.

Tumigas ang panga niya sa sagot nito. Wala siyang masabi dahil may punto naman ito, pero sa kabilang banda, mukhang kilalang-kilala naman nito ang daan. Lalong nadagdagan ang kanyang inis ng papito-pito pa ito.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon