Chapter 35: Official

3.1K 102 4
                                    

             PULANG-PULA na ang mga pisngi ni Aliyah, hindi dahil sa init ng araw kung hindi dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi niya maalala iyon. At lalong hindi siya naniniwala.

"Hindi totoo yan," mabuwa'y niyang tanggi. Hindi rin siya sigurado kung nagawa nga niya. May mga maliit na detalyeng naiwan sa isip niya, tulad ng paghaplos niya sa bukol nitong ari kagabi, medyo naalala niya iyon, pero ang sinabi nitong ipinasok niya ang kamay sa loob ng pantalon nito, hindi niya maalala iyon.

Tatanungin niya mamaya ang yaya niya.

Nasa balkonahe sila ng kwarto niya humantong dahil pinadala na raw ng mommy niya ang agahan nila sa balkonahe. At marami ngang pagkain ang nakahain ngayon sa mesa niya sa balkonahe niya.

May mga fried eggs, sausages, at hashbrowns kasama at fried rice.

"Ba't naman ako gagawa gawa ng kwento?" malumanay nitong tanong.

"Aba'y malay ko? Baka pinagtitwipan mo ako!" inis niyang sagot.

Lumabi pa siya ng di niya napapansin, saka padaskol na sumandok sa kanin nito at isinubo.

Pinapanood siya ni Zeus habang nagkakape, hindi nito ginagalaw ang pagkain sa plato niya.

"Ba't naman kita pagtitripan? Di nabasted na ako?" painosenteng taong nito saka dahan-dahang uminom ng kape niyang umuusok. 

Ang init-init nagkakape.

Ang swabe ng awra nito, at napakagwapo nga naman nito. Ang mga mata nito kumikislap at lalong kaakit-akit dahil mas lalo itong kapansin pansin dahil ang balat niya pagkatapos mababad sa araw ay moreno kayat ang asul nitong mga mata ay kapansin-pansin.

"Malay kong baka dito naghihiganti ka?" tumaas pa ang kilay niya saka inirapan niya ito.

Tumawa lang ito. At napakasarap din sa pandinig niya ang buo, malalim, at malamig nitong boses.

"Muntik na nga kitang mabitawan dahil pilit mo akong hinihubaran. Buti sana kung tayo lang, kaso marami tayong mga audience," sabi nito at lumalaki ang mga matang tinitigan niya ito. Nang-aarok sa katotohanan ng mga salita nito.

"Hindi ako nagsisinungaling. Ano naman ang mapapala ko sa pagsisinungaling?" 

"Pag nalaman kong nagsisinungaling  ka, makikita mo, ipapatapon kita pabalik sa lungga mo!?" may pagbabantang saad niya at tumawa si Zeus sa kanyang pagka-irita.

Tama namang dumating ang yaya niya may dalang isang pitsel ng juice.

Nagtataka na siya sa yaya niya, kada kalahating oras, bumabalik. Nakailang juice na itong dala.

"Yaya, totoo ba ang sabi ni Zeus, tsinansingan ko raw siya kagabi?" walang habas na tanong niya sa yaya niya.

Napatigil naman ito sa pag-asikaso sa kanila at saka tiningnan muna si Zeus bago ibinaling ang tingin sa kanya. 

At nakita niya ang pag-aalangan ng yaya niya at ang pagdaan ng hiya sa mga mata nito, hindi na niya kailangan na marinig pa.

"Ah eh... anak, lasing ka," nakita niya ang pag-aalangan nito. "Kaya sa susunod, huwag ka ng uminom ng hindi mo kaya," sabi ng yaya nito at parang bigla itong sinilihan sa puwet.

"Tama si Aling Bebang. Baka sa susunod at walang nanonood, magahasa mo na ako."

Napaubo ang yaya niya at saka nagmamadaling nagpa-alam.

Siya na ang nahiya para sa kanya. 

Sinamaan niya naman ng tingin ang lalake para pagtakpan ang pag-iinit muli ng kanyang mukha. 

"Sus, ang sabihin mo pag walang nanonood, you'll take advantage of it," pairap niyang asik, saka itinuon ang atensyon sa pagkain.

"Sweetheart, I don't bed wasted woman. Mas gusto ko kung nasa tamang katinuan ito at para magtino sa isipan nito ang gagawin ko sa kanya, at kailanman hindi nito makakalimutan," pahayag nito sa medyo namamaos na tono, nang-aakit. Nang lumipad ang tingin niya rito, nahuli niyang sunud-sunod itong lumunok.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon