NAGISING si Aliyah na nananakit ang mga likod at mabigat ang katawan. And then she realized, nakatulog pala siya sa sofa kagabi, at napansin din niya ang bote ng alak na nasa mesa, at ang isa nangangalahati pa ang laman.
Dahil sa sama ng loob niya kagabi, bumaba siya at kumuha ng bino sa wine cellar nila ng walang nakapansin sa kanya. Nag-inom siya mag-isa sa kwarto niya. At parang sira na kinakausap ang sarili kagabi. At nakatulugan narin nya ang pag-iyak habang umiinom ng paborito niyang bino.
She saw the stains of the wine on her carpet, dried patches of red liquid on the center table, at mangilan-ngilan din sa gilid ng sofa niya sa kwarto na kulay berde.
Napailing nalang siya. First time niyang ginawa ito.
Tumayo siya at saka mabuway na naglakad. Nakaramdam din siya ng pagkirot ng sentido, at siya'y napaungol. Dumiretso siya sa banyo at naisip na baka ang maligamgam na tubig ay makatulong mabawasan ang pananakit sa buong parte ng katawan kasama na ang sentido.
Di naman nagtagal, natapos na siya saka siya nagpalit. Medyo nabawasan ang pananakit ng katawan niya, at ang sentido, medyo umokey-okey na.
Kinuha niya ang gamit at dumaan ang kanyang mga mata sa alarm clock na nasa side table niya. Kumalam din ang tiyan niya at naisip niyang bibili nalang sa daan ng pagkain dahil mag-alas otso na.
Bababa na siya ng dumating ang yaya niya at nasalubong niya ito sa pintuan.
"Magandang umaga, yaya," bati niya lang dito at saka tumuloy-tuloy na sa ibaba.
Nadatnan niya ang daddy at mommy niya sa ibaba ng hagdan na may pinagtatalunan, ngunit ang mga boses nila, hindi kalakasan pero sa mga awra nila makikita na may pinagdidiskusyonan ang mga ito.
"Morning, dad...mom," bati niya saka tinapunan lang niya ang mga ito ng tingin at dire-diretso na sana sa direksyon ng pintuan palabas ng tawagin siya ng mommy niya.
"Morning din, anak. Nagmamadali ka yata?"
Kipkip ang bag sa kanang balikat, habang hawak sa kamay ang cellphone niya, tumigil siya at nilingon ang ina.
"Marami pa kasi akong tatapusin sa opisina," sagot naman niya rito.
Nakakunot-noo ang ginang.
Lumapit ang ama nito saka siya binati. "Magandang-umaga, anak. Wag mong pababayaan ang sarili, kumain ka muna ng agahan," wika nito saka siya hinalikan sa noo. Nilingon ang asawa bago ito sila iniwan.
"Ang aga-aga, ano na naman ang pinagtatalunan niyo?" tanong niya saka humalukipkip.
Umiling ang mommy niya, walang balak magkwento. "Negosyo. Wag mo ng isipin iyon," maikling paliwanag nito, "at tama ang daddy mo. Kumain ka muna bago ka aalis. Wag kang magpalipas ng gutom. Dapat hindi mo laktawan ang agahan. Pinakaimportante ito, dahil siyang magbibigay ng enerhiya at nutrisyon mo sa pagguhol sa buong araw sa trabaho," mahabang litanya nito at nilapitan siya ni Aliyah saka ngumiti na hinalikan sa pinsgi ang ina.
"I'm gonna buy some breakfast on my way," paglalambing nito sa ina saka umalis na bago mag-umpisang magsermon ang mommy niya.
Bago pa man siya makasakay sa kanyang sasakyan, tumunog ang kanyang cellphone. Itinapon niya sa passenger seat sa likod ang gamit niya, pwera ang laptop nito na nakalagay sa itim na casing, malumanay na ipinatong nito sa upuan. Walang pagmamadaling sinagot niya ang tawag.
"What?" hindi niya mapigilang maging iritado.
Naiinis parin siya dahil kagabi, binabagabag siya ng isiping baka kung saan na nagtungo ang dalawa, kung magkasama ba ang mga ito. Kaya't nagpakalasing siya para hindi siya mag-isip.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
