Chapter 18: Moments

3.2K 89 6
                                    

Unang umahon mula sa tubig si Zeus saka agad kinuha ang dalawang tuwalya. Ibinalot sa kalahating katawan ang isa samantalang dinala kay Aliyah ang isa.

Ilang oras din silang naglangoy, tumalon mula sa mataas na bato pababa sa tubig, and shared laughters.

And this time, they were both naked.

Ilang halikan ngunit malakas parin ang kanyang pagpipigil. Naisip niya, hindi tamang lugar kung first time man niya ito.

"You can come out," malambing nitong utos at halos hindi niya marinig ang kanyang boses dahil masyadong malalim ito, namamaos.

Napalunok siya sa hindi niya mabilang kung ilang beses na, habang hindi niya maalis ang kanyang titig sa dalaga habang umaahon ito mula sa maasul-asul na tubig, saka parang slow motion itong lumapit sa kanya.

"God, there are so many ways to test me. Not like this," piping dasal niya.

Sumiklab ang pinipigilan niyang pagnanasa simula ng masilayan nito ang kahubdan ng dalaga, at ramdam na naman niya ang pagtigas lalo ng kanyang pagkalalaki.

Agad niyang ipinulupot ang malaking tuwalya mula sa dibdib nito at umabot hanggang kalahating hita upang mapawi ang init na biglang sumiklab sa lahat ng kanyang ugat, ng kanyang bawat himaymay at unti-unting tumutupok sa natitirang pagtitimpi niya.

"Salamat," mahinang usal nito saka tumingkayad at hinalikan siya sa labi.

Umungol naman siya ng pagtutol ng agad itong bumitaw saka nagpatiunang lumakad palayo.

Napatingin muna siya sa itaas saka huminga ng malalim bago kinuha mula sa bato ang pangligo niya na itinapon lang niya kanina, saka mabilis na isinuot. Saka siya umikot at lumapit sa kinatatayuan ni Aliyah malapit sa bato.

Suot parin ang balabal, isinuot nito ang panloob, saka inalis lang ang nakabalabal na tuwalya ng magsuot na ito ng pang-itaas at pantalon.

Nakasandal ito sa malaking bato para hindi mabuwal habang isinusuot ang medyas at sapatos.

Mabilis namang niyang inabot ang kanyang pang-itaas at saka isinuot.

Nang matapos ang dalaga, tumayo ito ng tuwid at nakangiting nakatingala sa kanya.

"This is a treat," komento nito at nasiyahan naman siya.

Sa nakikita niyang kaligayahan sa mga mata ng dalaga, masaya narin si Zeus.

He leaned down and kiss her. Awtomatiko namang pumulupot ang kanyang mga kamay sa kanyang leeg at tinugon ang kanyang halik, kasing pusok ng kanya.

Nabitawan na ni Zeus ang tuwalya, ang kanyang mga kamay ay umikot sa beywang ng dalaga at hinapit ito palapit, na para bang mapapawi nun ang pagkasabik niya sa dalaga. Na para bang mapawi nito ang pagkauhaw niya, ang nagsisiklabang pagnanasang ngayon ay tumutupok sa kanyang pagkatao.

"I want you," ungol ni Zeus ng binitawan nito panandalian ang mga labi ng dalaga upang makalanghap ng hangin, saka ulit sinakop muli ang mga labi nito.

Ungol lang ang tanging sagot ng dalaga at lalo pa nitong idinikit ang katawan at pakiramdam niya, unti-unti siyang nasusunog.

Para siyang lalagnatin at pakiramdam niya, baka mawawalan siya ng katinuan pag hindi niya ito matikman.

Ang kanyang isang kamay naglalakbay na sa tagiliran ng dalaga, minamasahe ang bawat madadanan nito, ninanamnam ang lambot, na lalong nagpaigting sa pagnanasa niyang mag-kaisa ang kanilang katawan.

Kinagat-kagat nito ang ibabang labi ng dalaga at lalo namang lumakas ang pag-ungol nito. Saka muling ipinasok niya ang kanyang dila sa loob ng bibig ng dalaga.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon