"Asa ka naman?" pagalit niyang wika ngunit may naglalarong ngiti sa mga labi niya.
Natawa si Zeus saka sumimangot ito at naging maamong tupa ang mukha. Nanggigil na niyakap niya ito, ngiting-ngiti, hindi matatawaran ang kaligayahang umaapaw sa kanyang dibdib. At dahil umabot lang siya lampas konti sa balikat, isiniksik niya ang pisngi sa dibdib nitong matigas, at niyakap naman siya ni Zeus pabalik, ang kanyang baba nakatukod sa kanyang ulo, and then she felt his lips touched the top of her head.
"Bakit, sweetheart? Ayaw mong maging plain housewife?" patanong na wika ni Zeus. Tumingala siya habang nakayakap parin. Nasa likod ng mansyon nila sa Forbes park sila ng mga Monte Carlo, at nakatanaw sila sa mahaba at walang hanggang mga nagtatayugang iba't-ibang puno. Pagkatapos nilang nanonood, dinala siya ng lalake sa mansyon nila, at namangha siya sa sobrang laki nito.
Nalula siya sa mga magagarang bagay na sumalubong sa kanya ng makapasok siya sa mansyon ng mga ito.
It was the epitome of an architecture perfection. Ang mansyon nila, kalahati lang dito. At namention ng katipan niyang it is more than a hundred hectares property.
Nakakalula nga ang yaman ng pamilya nito. She grew up with luxuries too, but in front her was lavish, grander, and close to royal.
At ang mga ginamit na mga materyales, mga galing pa sa ibang bansa, at pangkastilo nga naman ang dating. Malalaman mo talagang ang nakatira ay trilyonaro, instead na bilyonaryo. From the shiny marbles, granites, carved and molded ceilings, gold linings and railings, para naman siyang nanliit sa sarili.
"Ano? Hindi kana nakaimik?" bulong ni Zues sa itaas ng kanyang ulo na nagpabalik sa kanyang paglalayag ng kanyang isip.
"Mahal, hindi mo ba kayang magbayad ng tutulong na mag-alaga sa mga anak natin? At ilang anak ba ang gusto mo?" tumaas ang isang kilay niya at pinalis sa dibdib ang panliliit na naramdaman bigla.
Nakatitig ng malagkit ang binata sa kanya at may naglalarong kalokohan din sa mga mata nito.
Hindi parin siya bumibitaw sa pagkakayakap. She felt a little colder, dahil madilim na at mahangin. Nililipad ng hangin ang kanyang buhok na nakawala sa pagkakatali niya paitaas.
Paminsan-minsan na hinahawi ng may lambing ni Zeus ang nakawalang hibla ng buhok na tumatabing sa kanyang mga mata.
"Iba parin kasi pag tayo ang mag-aasikaso sa mga anak natin, diba?" naglalambing na wika nito at napalabi siya.
"Ilang anak ba?" tanong niya ulit.
"Kung ilan ang kaya mong ibigay sa akin?" malambing parin sagot nito, nakangiti.
"Isa?" patanong niyang sagot.
Napasimangot ito ng di niya nalalaman at natawa si Aliyah.
"Isang dosena?" nakangising sabi naman ni Zeus.
Nanlaki ang mga mata ni Aliyah.
"Mahal, baka naman gutay ggutay na ang matres ko nun?!" kontra niya.
Humiwalay siya rito, at wala sa sariling napayakap siya sa sarili dahil bigla siyang gininaw ng mawala ang init ng katawan ng katipan.
"Let's get inside," alok ng katipan ng mapansin nito ang medyo panginginig niya.
Napatigil siya at saka kahit gustuhin man niya, umiling siya. "Mahal, sumasakit pa ang bulaklak ko. Lalo pa at nangabayo tayo," wala sa sariling pagmamaktol niya, at natawa si Zeus. Dahil sa kakaisip sa magiging anak nila at sa pagkaka-alala niya sa kanilang pagniniig, iba ang pagkakaintindi nito sa sinabi ni Zeus.
Malakas na halakhak tuloy ang sumunod mula kay Zeus, buong-buo ang malalim nitong boses at lalong gwapong-gwapo ito lalo sa mga mata niya.
Hinayaan naman ni Aliyah na tumawa ito, kahit na naiinis siya. Nang mahimasmasan si Zeus, sa natatawang mga mata pa ay bumulong ito, nang-aakit. "Sweetheart, I know you are sore, and I would love to take you here, and every minute," anas nito habang nakayukod sa kanya, kaya't ang mga labi nito, ilang dipa nalang ang layo.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
Storie d'amoreSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
