Chapter 21: Thoughts

2.8K 101 8
                                    

Dumating si Zeus pasado alas-dose na, at dahil nakailang katok na siya sa harapang pintuan at walang Aliyah na sumagot, napagpasyang sa likuran kakatok, nagbabakasakaling marinig siya nito, ngunit nakailang katok na siya, walang sumasagot mula sa loob.

Sinubukan niyang pinihit ang seradura sa at kumabog ang dibdib niya ng napagtantong hindi ito sarado.

At ng pumasok siya at napakatahimik ng loob lalong bumilis ang pintig ng kanyang puso, at dumoble ang tambol ng kanyang dibdib.

Mabilis ang mga yapak niyang pumasok sa loob ng bahay.

Nagsasaubong ang mga kilay na tinawag ang dalaga.

"Aliyah?"

Walang sumasagot.

Agad niyang ibinaba sa kusinahan ang bitbit na basket na puno ng pagkain, nadaanan niya ito papasok sa looban ng bahay saka nagmamadaling pinuntahan ang kwarto nito, piping nagdasal na sana'y tulog lang ito at walang nangyaring masama sa dalaga.

Dahil maliit lang ang bahay, inilang hakbang lang ang sa kwarto ng dalaga.

Nakahinga naman siya ng maluwag ng makita nitong tulog na tulog ang dalaga patihaya, at ang paa nitong may benda, nakapatong sa dalawang unan.

At sa isiping nakabukas ang pintuan sa likuran habang tulog ang kanyang mahal, naisip niya kung paano nalang at may sira lumoob sa bahay nila?

Baka kung anong magawang masama sa katipan.

At sa isiping iyon, biglang kumulo ang kanyang dugo sa galit. Hindi niya alam kung kanino idirekta. Kay Aling Bebang o kay Aliyah?

Huminga siya ng malalim to ease the sudden knot in his chest.

Parang ninikip ang dibdib niya sa isiping may masamang nangyari sa nobya. He'll probably gone crazy this time, kung mawala sa kanya ang dalaga.

Iniisip pa nga lang niya, parang mababaliw siya.

Pinilit niyang alisin sa isip ang mga hindi kanais-nais na ispan at saka itinuon ang mga mata sa dalaga.

Hinaplos naman ang puso niya ng matitigan nito ang katipan na mapayapang natutulog.

Ang mukha nito paharap sa pintuan, at habang papalapit siya, hindi niya mapigilang mapatitig sa maamo nitong mukha. Kahit siguro maghapon, magdamag niyang titigan ito, hindi siya magsasawa.

Para itong anghel habang nakapikit.

Halos perpektong hugis puso ang kanyang mukha, mahahabang pilik-mata at ilong na matangos.

Her thick wavy hair was like a crown above her head, splayed in tangles. And he always had the urge to ran his fingers through it's silky curls.

At ang laging nagpapawala ng kanyang katinuan ay makakapal nitong bow lip, na parang sinadya para baliwin ang kapwa Adan niya.

Agad din niyang inalis ang kanyang mga mata sa labi nitong parang nag-aanyaya ng mainit na halik. Lalong-lalo na ang mga mala-labanos nitong binti na nakalantad dahil sa sobrang maikling pang-ibaba nito.

At unti-unti nabuhay ang kanyang dugo na agad naman niyang pinilit na pinapatay.

Para siyang teenager na hindi pa nakakaranas ng babae, parang lagi siyang sabik tuwing nakikita nito o natitigan ang dalaga.

May kung anong pwersa ito sa kanya at hirap na hirap siyang pigilan. Minsan naisip niya, baka nagayuma siya ng dalaga, ngunit agad din niyang iniwawaksi sa isipan dahil hindi nito kailangang gumamit ng gayuma para maakit ang lalake rito.

Siya yung tipong hinahabol-habol ng mga lalake.

Lumobo naman ang kanyang dibdib sa kadahilanang sa kanya ang puso nito, na siya'y katipan nito.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon