Chapter 42: Pagsubok

4.1K 107 12
                                        

                   HINDI akalain ni Aliyah na madadatnan niya sina Dex at Karl sa opisina. Bago niya marating ang kanyang opisina, madadaanan niya sa mahabang pasilyo ang conference/meeting room kung saan buong salamin ang dingding nito, kaya't mapapansin agad kung may tao rito.

At base sa nakikita niyang pag-uusap ng dalawa, mukhang nagdidiskusyon ito. Panay pa ang pagkumpas ng mga kamay ni Karl habang nagpapaliwanag.

She wanted to finish the campaign ad project for the FSR today as much as possible kasi marami silang next client na may mga deadline din na hinahabol, kaya't pumasok siya ngayon. Nagdesisyon siyang puntahan ang dalawa sa loob ng meeting room slash conference room bago sabunutan ni Karl ang logo designer niyang si Dex.

Kumatok  muna siya, at saka niya pinihit ang seradura at itinulak pabukas ang salaming pintuan saka pumasok ng nakangiti sa dalawa.

Napatigil naman ang dalawa sa pag-uusap.

"Magandang umaga, Aliyah. Didn't think you're coming in today," si Karl sa maarteng tono, at kanina'y ang matalim nitong mga matang singkit ay kumislap ng makita siya.

Lumapit ang mga ito, at pinaunlakan niya si Karl ng yakapin siya nito saka hinalikan sa pisngi as he always do, errr... she. Si Dex kinamayan lang siya. He's a little more reserved, too painfully shy unless it concerns his work, assertive ito.

"Anong problema?" tanong niya saka niya ibinaba ang gamit sa mahabang cinnamon colored table, saka sumandal siya sa table, her palm resting on the table while leaning in and switching her eyes back and forth between them ng bumalik ang dalawa sa posisyon nila kanina ng mapansin niya. Sa harapan nila ang laptop, at mga printed sample flyers ng product nasa table din at nagkalat sa mesa malapit sa kanila.

"We are just trying to come up with the decision which will be the final look for the brand logo," si Dex.

"Oh..." usal niya saka siya tumayo ng tuwid at nilapitan ang dalawa. Napatingin siya sa laptop, ang at nasa screen ang dalawang logo ng alak na pinagpipilian nila ay parehong catchy, but the red and black pattern na parang hugis dragon at nakalagay sa gitna ng picture ang pangalan ng brand ng produkto ng FSR in a fire like color ang nakakuha sa atensyon niya.

"I like the dragon pattern," sabi niya saka wala sa sariling nagkrus ang mga kamay niya sa dibdib habang hindi inaalis ang mga mata sa screen ng laptop at paminsan-minsan, inililipat ang tingin sa katabing logo na star at napaikutan ng ahas at spear na kulay gold. 

"Alright, you're the boss," si Dex, at sumang-ayon din si Karl.

"Thank God dumating ka at kung hinde, baka bukas pa kami matatapos," ani ni Karl at natawa siya.

"So yan nalang ba ang hinihintay?" tanong niya.

"Yes. And it's ready whenever," si Dex.

"I received an email from the FSR management team, they want to launch the product campaign soonest," sabi niya sa mga ito at nangingislap ang mga mata nilang tumango-tango. There's that satisfaction in the depth of their eyes, at masarap iyon sa pakiramdam niya.

"I will be in my office, may tatapusin lang akong trabaho diko natapos kahapon," paalam niya sa dalawa.

Hindi niya napapansin ang pagdaloy ng oras, saka lang niya inalis ang mga mata sa laptop niya at sa mga papeles na nagkalat sa harapan niya ng tumunog ang cellphone niya, saka ang pagalboroto ng kanyang tiyan.

She had forgotten to get something to eat dahil iniisip niya, matatapos siya ng maaga.

Napapangiting inalis niya ang kanyang salamin saka kinonekta ang tawag.

"Hey," bungad niya at pumailanlang sa kanyang pandinig ang baritonong boses ng kanyang katipan.

"Sweetheart, I apologize, I will be late, but I will surely come and take you out for lunch," paliwanag nito at ikinumpas niya ang kanyang mga kamay na parang nasa harapan nito ang katipan.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon