Zeus' POV
Walang pagsidlan ang saya ni Zeus ng sa wakas, nagkakumpirmahan na sila ng damdamin ni Aliyah. Para siyang nililipad sa alapaap.
Agad na bumaba sa kusina si Zeus at nahanap naman nito ang pakay.
"Nay Rita," tawag niya.
"Oh anak, may kailangan kaba?" tanong ng matanda.
Ngumiti si Zeus. "Oo. Naisip ko kasi, iselebra ang pagtatapos ng anihan ng tubohan," sabi niya at para namang namamalikmata ang matanda.
"Oh, buti naman at naisip mo yan," sabi ng matanda at tumatango bilang sang-ayon.
"At kailan mo balak gawin ang selebrasyon?" tanong ng matanda.
"Bukas, pero alam ko kailangan natin ng mga sangkap ng mga lulutuin. Since ikaw naman ang mangunguna sa pag-iisip ng ihahanda, kung pwede ikaw narin ang maggroserya," pag-alok niya at agad namang sumang-ayon ang matanda.
"Sige, dadalhin ko si Aliyah at—"
"Busy ho si Aliyah. Si Michelle nalang dalhin niyo, at mas maraming alam yun sa pagluluto, baka abutin pa kayo bukas kung si Aliyah ang dalhin mo," biglang singit niya at di na pinatapos ang matanda.
Wala namang kaalam-alam ito at saka tumango muli bilang pagsang-ayon.
"Oo nga, saka may kailangan naman daw siyang bilhin sa groserya," pagsang-ayon nito.
Agad na naglabas ng lilibuhin si Zeus sa kanyang pitaka at nilagay sa mesa.
"Ayan, Nay. Sampung libo, tama naba iyan?" tanong niya.
"Oo, ang laki na niyan," sabi nito at tumango naman si Zeus.
"Bilhin niyo lahat ng kailangan niyo, Nay. Ako ng bahala muna dito sa bahay. Nasa laptop lang ako ngayon, tsaka wag kayong mag-alala sa tanghalian, may mga naiwan naman siguro kagabi?" sabi niya.
"Oo, meron pa. Iinit mo nalang, nak. Siya sige, maghahanda na ako at ng makabalik kami bago ang hapunan," sabi nito saka kinuha ang pera at tinawag ang kanyang pamangkin na si Michelle.
Narinig niya ang masayang boses ni Michelle na sumasang-ayon sa pagsama rito at nakahinga ng maluwag si Zeus.
Parang may mga pakpak naman ang mga paa nitong tinungo muli ang kanyang kwarto.
Nadatnan niya itong bubulong-bulong habang nagpupunas ng itaas ng kanyang drawer.
"May boyfriend ka ngang boss, hindi naman nakakatulong. Katulong parin naman ako rito," bubulong-bulong nitong sambit at pinigil ni Zeus na mapatawa.
"Kahapon ko lang nilinis ito, maalikabok na naman," reklamo nito sa mababang tinig saka umungol ng di sumasang-ayon.
Nakatayo lang si Zeus sa may pintuan at pinagkrus niya ang kanyang mga kamay at pinanood ang dalaga habang nakasandal siya sa hamba ng pintuan na bubulong-bulong sa sarili at tuwang-tuwa naman siya.
"Saan kaba nanggagaling na alikabok ka? Para kang si Michelle, laging present," saka ito huminga ng malalim saka padabog na pinunasan muli ang tapos na nitong pinaraanang drawer. "Hindi kana matapos tapos."
Hindi napigilan ni Zeus na mapatawa at biglang napaikot naman ito, gulat na gulat. Natutop pa nito ang kanyang dibdib.
"Anong ginagawa mo diyan?" kunot-noong tanong nito at napatawa si Zeus lalo.
"Ano bang ginawa sayo ni Michelle at mukhang asar ka dun sa tao?" tanong nito saka siya nilapitan.
Kinuha nito ang hawak niyang basahan at spray na panglinis saka ibinaba sa itaas ng drawer niya, at hinapit ito sa beywang.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
