TAHIMIK na kumakain ang higanting tipaklong na boss niya kaya't hindi rin nag-abalang magtanong si Aliyah kung anong gagawin niya mamaya pagkatapos ng agahan. Pagtingin niya rito, sarap na sarap itong kumakain at tumataas pa ang kanyang kilay dahil malakas itong kumain.
"Stop staring at me! Bilisan mong kumain para makapag-umpisa kana," hindi tumitinging sabi nito na ikinainit ng mukha kasabay ng ulo ni Aliyah. Matalim niyang tiningnan ito bago ibinaling ang atensyon sa nangalahati pang pagkain niya.
Ang dining room nila ay malaki, hindi nga lang kasing laki ng kanila sa Maynila, pero may dalawa daw itong parte, ang pantry at dirty kitchen.
Pagkatapos silang serbihan ni nanay Rita, nagpaalam itong nasa kusina lang siya para magligpit.
Narinig niya ang pagkalampag ng kutsara nito sa kanyang plato at kahit hindi tumingin si Aliyah, alam niyang tapos na itong kumain. Ramdam na ramdam naman niya ngayon ang titig nito sa kanya. Inignora niya ito at kusang tumalim ang kanyang mga mata sa kanyang plato habang para itong kaaway niyang tinusok tusok ang itlog sa kanyang plato.
"Pagkatapos mong kumain, palitan mo yang damit mo," narinig nitong sabi ng tipaklong niyang amo sa kanyang harapan.
Lumiit ang kanyang mga mata na sinalubong ang mga titig nito. Wala paring pagbabago ang mukha nito. Madilim parin parang kasing dilim ng pagkatao nito.
"Wala akong pamalit! Nakita mo bang may dala ako?" iritableng sagot nito.
Ibinaba nito ang kanyang kape saka siya tinitigan na para bang isa siyang insekto na pinag-aaralan.
"Do you always talk back to your boss?" tanong nito at lalong dumilim kasabay ng pagtalim ng mga mata nitong asul.
Natameme naman siya.
Oo nga naman. Baka kapag hinahayaan niyang lagi siyang lumalaban baka magduda ito sa kanya. Malaman pa nito ang kasinungalingan nila ng kanyang yaya at mas mapapahamak ang yaya niya, pero hindi niya talagang kayang bumaba at hindi ipagtanggol ang kanyang sarili. Hindi siya lumaking sunud-sunuran.
Bumaba ang tingin niya sa kanyang pagkain saka isinubo ang itlog na warak na warak na. Pagkatapos nguyain, nagsalita siya sa mababang boses, tinitimping wag bulyawan ito. "Kakagraduate ko lang, kaya hindi pa ako nagtrabaho," sagot nito, sa medyo mapakumbabang trabaho.
"Anong tinapos mo?" tanong nito. Hindi na malamig ang tono nito, kaya't napaangat siya ng ulo at sinalubong muli ang kanyang mga mata. Pero kahit hindi ito matalim, napakamisteryoso parin ng dating ng kanyang mga mata. Parang may tinatagong dapat katakutan.
"Business Management," wala sa sariling sagot niya habang hindi nito inaalis ang tingin sa kanyang mukha.
Hindi parin lumiliwanag ang mukha nito. Parang galit parin ito sa mundo na nakatingin din sa kanya habang pasipsip-sipsip ito ng kanyang kape.
"Well..." pabitin nito saka hinigop ang kahuli-hulihang laman ng kanyang kape. "It's not far from house management. You sure will do well in the house," sabi nito saka na ito tumayo para umalis.
Biglang dumaloy lahat ng dugo niya sa kanyang ulo sa sinabi nito. "Nakakaga—" nalunok nito ang kanyang sasabihin ng biglang may pumasok na lalake na halos kasing tanda ni nanay Rita.
"Buti naman, Ivan at naabutan kita," sabi nito at kahit naiinis man, ibinaling nalang niya ang kanyang paninging muli sa kanyang pagkain na halos patapos na.
Nauulinigan niya parin ang usapan ng dalawa sa kanyang likuran.
"Bakit tay?" tanong nito.
"Andito na si Dr. Chavez para bagong silang na kabayo," sagot naman ng matanda.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
