Chapter 30: Ivan

4.3K 112 14
                                        

A MONTH later...

"Diyos ko naman, Nicolo. Hindi kaba nakakaintindi ng salita?" inis na hinaklit pabalik ni Aliyah ang kanyang kamay na hawak ng bruskong si Nicolo.

May itsura naman ang binata, hindi rin naman ito kaliitan, siguro nasa 5'10 ang tangkad nito, at may konting tambok din naman ang mga muscles nito sa katawan. Hindi nga lang kasing maskulado ni Zeus.

Kumabaga ang muscles ni Zeus maikukumpara niya sa granite samantalang itong si Nicolo naman, sa matigas na tinapay na hawak niya sa kabilang kamay at hindi pa niya natatapos dahil parang bato sa katigasan.

"Dalawang linggo na akong sumusuyo sayo, Aliyah," may inis din ang tono nitong saad at umikot ang kanyang mga mata.

Inayos niya ang kanyang suot na puting de butones na pang-itaas na nakasuksok ang laylayan sa hanggang tuhod niyang masikip na palda na kulay itim.

Nakatakong din siya ng tatlong pulgada.

"Dalawang linggo ko naring sinabi sayong wala akong planong makipagrelasyon sa kahit kanino!" galit niyang asik rito saka nauna ng naglakad paalis sa pinagtatrabahuhan niyang kompanya.

Magtatatlong linggo narin siyang nagtatrabaho bilang project manager ng isang maliit na advertising company na ngayo'y pinag-invest-an ng kaniyang ama.

"Aliyah naman, babe," kunwa'y nagmamaktol na sumunod ito at sa mga nakakakita'y, isiping nag-aaway na magkasintahan.

Inis na hinarap siya ni Aliyah.

Inuurong lang ng pamilya nito ang demanda sa pagsira niya sa relasyon nila ng mga mga Guevarra dahil sa lumang cellphone niya, hindi sinasadyang may record pala siya ng pinag-uusapan nila nuon kung papanong plano ni Monica na mawala sa landas niya si Nicolo.

Kaya ngayon, ang galit ng mga Gregorio ay nabaling sa mga Guevarra.

At dahil sa nangyari, nagkagulo sila ng mga dati niyang itinuring na mga kaibigan, and they all now had shown their true colors and Aliyah didn't give a shit.

"Nicolo, pag hindi kapa tumigil sa kakakulit sa akin, magtatawag na ako ng pulis!" galit niyang asik sa binata.

Nawala naman ang amo sa mukha ng binata at pahaklit nitong hinawakan ang kanyang kamay saka malisyosong ngumisi sa kanya.

"Ikaw na nga ang sinusuyo, ikaw pa itong masyadong pakipot. Anak naman ng tinapa, akala mo naman ang linis mo, kung di ko pa alam, ilang lalake ang nakatikim sayo, buti pa nga pinagtyatyagaan ki—"

Malakas na lagapak ng isa niyang kamay na may hawak pang tinapay ang dumapo sa mukha nito at hindi niya iyon inaasahan. Kahit ang sauce ng sandwish niya, sumapok sa muka nito, at nagkalat sa isang pisngi at nagkulay pula ang isang pisngi.

Naniningkit ang mga matang sinunggaban siya ng binata, ng biglang may pumigil na kamay kay Nicolo at pabalyang inihiwalay sa kanya.

Biglang bumilis naman ang kanyang puso sa pagtibok dahil sa biglang pagragasa ng takot sa kanyang dibdib.

Oo nga't maraming tao ang nasa kalye at nanonood, wala namang gustong makialam.

Kilala kasi ang animal na Nicolo, at alam din nila ang kalingkingan at ng uri ng pamilya nito.

Nagpapasalamat na tumingin si Aliyah sa lalakeng pumagitna sa kanila, nakatalikod ito ngayon sa kanya.

"Brod, ang tunay na lalake, hindi naghihiganti sa babae," mahinahong sabi ng lalake, at matangkad ito ng kaunti kay Nicolo at mas malaki ang katawan. Moreno ito at nagsisiksikan ang mga muscles sa lahat ng parte ng katawan. Mukhang bouncer ito. Medyo magaspang ang malalim nitong boses at may tigas.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon