Chapter 22: Selos

2.7K 92 19
                                    

Pagkaalis ni Zeus, dumating naman ang yaya niya. May dala din itong pagkain. Ngayon kaharap niya ito sa sala. Matinding pag-aalala ang nakabanaag sa kanyang mukha.

"Anak, ako'y natatakot para sa iyo," banayad na lahad nito at kumunot ang kanyang noo. Alam na niya ang pinapahiwatig nito, pero ayaw niyang pag-usapan nila ng kanyang yaya ang tungkol sa kanila ni Zeus.

Baka maiyak siya.

Ayaw din niyang malaman ng matanda na siya rin ay takot dahil ramdam na ramdam na niya na pag-aari ng ng binata ang kanyang puso kung di man buong pagkatao.

Ang tanging itinira niya ay ang kanyang moral.

Dahil hindi pa niya sigurado kung hangga't saan ang pagmamahal nito sa kanya.

"Paano kung malaman niyang taga maynila ka? Nag-iisang anak ka at tagapagmana?" nag-aalalang tanong ng yaya niya at natahimik naman siya.

Gustong-gusto na niyang sabihin kay Zeus ang totoong pagkatao niya pero natatakot siyang husgahan siya nito, at tuluyang alisin siya sa buhay niya.

Ngayon palang siya tunay na masaya, na may taong nagpapakita ng totoong pagmamalasakit sa kanya maliban sa yaya nito.

She's still enjoying it, she didn't want to end it yet.

Pinilit niyang ngumiti, pagaanin ang paksa nila.

"Kung talagang mahal niya ako, yaya, then hindi iyon hadlang. Saka kaya lang naman tayo nagsinungaling kasi kailangan natin itong trabaho. Saka hindi ko naman akalaing magkakagustuhan kami," paliwanag niya habang kipkip ang kanyang cellphone.

"Kuh, bata ka. Ewan ko ba kung bakit lagi kang nasusuot sa gulo. Anak, alalahanin mo, ang amo natin ay hindi basta-bastang tao," paalala ng yaya nito at tumango naman si Aliyah.

Ngunit kinabahan siya.

Hindi dahil sa maimpluwensya ang mga Monte Carlo, kung hindi ang isiping kamumuhian siya ng binata.

"Hindi mo naman siguro siya pinaglalaruan tulad ng mga ginawa mo duon sa mga katipan ng mga kaibigan mo, ano?" tumaas ang dalawang kilay ng matanda at ngumiti si Aliyah saka umiling.

"Isa pa yan, pag nakita niya ang mga pahayagan kung saan nagkalat ang mga larawan mo..." pumikit ang matanda saka nagkrus pa ito. "Hays, ayaw kong isipin anak," takot na takot nitong saad at biglang lumambong ang saya niya.

"Wala na ang mga iyon, yaya. Pati internet, nagawang alisin nina mommy at daddy ang mga gawa-gawang balitang iyon," naglapat ang kanyang mga ngipin sa pagkaka-alala sa mga iyon.

"Bakit ba kasi ginawa mo iyon, anak. Alam mo naman na ayaw na ayaw ng mga magulang mo ang iskandalo?"

"Kaya ko nga ginawa iyon para maalala nilang may anak sila, yaya?" pagpapaalala nito sa matanda.

"Maling rota naman kasi ang tinahak mo, anak. Saka yang mga kaibigan mo, hindi naman mga tunay na kaibigan. Mga pahamak ang mga iyan," medyo galit na ang tinig ng matanda, kaya't hindi nalang niya ito ginatungan.

"I love you, yaya. Saka ibang Aliyah na ako, promis," sabi niya saka ngumiti siya ng pagkatamis tamis na hindi mahihindian ng matanda.

"Kuh, bata ka, kung hindi lang kita mahal, matagal na kitang kinutos," sabi ng matanda saka siya nito nilapitan at saka niyakap.

Kusa namang namasa ang kanyang mga mata saka ngumiti ng mapait.

"Love you, yaya," halos pabulong niyang sabi.

"Mahal na mahal din kita, anak," halos naiiyak ng sabi ng matanda. Niyakap din niya ito pabalik.

"Wag mo akong iiwan ha, yaya?" halos naiiyak din sabi niya.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon