Dumating ang kaibigan niya pasado alas tres.
"Huge, this is Aliyah, girlfriend ko, and Aliyah, this is Hugo, we call him Huge, a friend of mine. Isang doktor na nakabase sa bayan," pakilala ni Zeus sa kanila.
Titig na titig si Hugo sa kanya at lalong nalukot ang mukha ni Zeus.
"Tell me I made a mistake calling you," iritadong sipat ni Zeus kay Hugo at natawa naman ang kaibigan nitong doktor.
Nakaputing polo shirt ito na nakatucked-in sa kanyang gray na trousers. Ang linis niyang tingnan.
At umabot lang ito sa tainga ni Zeus. Matipuno din ito tulad ng kanyang katipan, katamtaman ang kulay. Hindi kaitiman at hindi rin kaputian, at makinis ang balat, at may itsura.
Sa una nga lang, hindi ganoon kapansin-pansin pero habang lumilipas, hindi pala nakakasawang tingnan.
Yun bang sa matagal na tingin saka mo makikita na may kaguwapuhan pala ito.
Di tulad ng katipan niya na boses palang, o pangalan palang alam mo nang gwapo.
Hinarap siya ni Huge at ngumisi ang loko kay Zeus, na ngayo'y nakatitig kay Hugo na parang pinag-iisipan nito kung sakalin na ngayon o mamaya pagkatapos siyang suriin.
"I smell possessiveness," nagbibirong saad nito at lalong nagsalubong ang mga kilay ni Zeus.
"Gagawin mo ba ang trabaho mo, Huge or tatawag ako ng ibang doktor," nagbabantang saad nito.
Umikot ang mga mata ni Aliyah.
Ngunit nag-eenjoy naman siya sa pinapakitang selos ng nobyo, but he's just making it too obvious and just stalling his friend from performing his job.
"Kung magpahangin ka kaya sa labas," wala sa sariling nasabi niya at lumipad ang tingin nilang dalawa sa kanya, ngunit si Zeus hindi natutuwa, kasalungat ng kanyang kaibigan na ngising-ngisi. Kanina pa kasi itong parang ang init ng ulo.
"She's right," pagsegundo nito at agad nagsisi si Aliyah na sinuhestyon niya ito kasi mas naging makulimlim ang itsura ng katipan.
"The hell no!" asik nito at tinaliman ng tingin siya saka matigas ang mukhang hinarap ang kaibigan.
Nasa sala sila ngayon sa bahay ng yaya niya at nakaupo siya samantalang ang dalawa, parang mga higante sa harapan niya na magkaharap.
Nagpalabas ng hangin sa dibdib si Aliyah at sumandal sa sandalan ng matigas na rattan, sumasakit narin ang batok niya sa kakatingala sa dalawa.
"Kung para kang asong ulol dyan, ay matatagalan talaga akong suriin ni Dok Huge," sabi niya at tumingin sa kanya si Zeus na nakapameywang.
Tinaasan niya ito ng kilay. Umatras naman ito saka iminuwestra ang kamay para bigyang daan ang kaibigan, at hindi nakaligtas sa kanya ang pagtiim ng mga labi nito.
Nasa kusina naman ang kanyang yaya, nagtitimpla ng kape para sa dalawang bisita kaya't hindi nito nasaksihan kung gaano kaganda ang kanyang alaga.
Ibinaba ni Hugo ang kanyang dalang medical bag.
"Kailan kapa rito, Aliyah," pagsisimula nito ng conversation habang hinahalungkat ang kanyang bag.
"Matagal tagal narin, Dok Hugo," nakangiting sagot niya.
Narinig niya ang ungol ng kanyang nobyo, ang marahas nitong paglabas ng hangin sa kanyang dibdib, at halos matawa siya ngunit pinigilan niya ang sarili.
Inignora nito ang inis nitong hindi niya maikubli. Parang asong di mapakali.
Napapiksi siya ng hawakan ni Dok Hugo ang sakong niyang namaga.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
