SCCRRIIITTTCCCCCCHHHHH............
Pakiramdam ni Aliyah, humiwalay ang kanyang leeg sa kanyang katawan ng biglang nagpreno si Zeus, pati kanyang pandinig halos sumabog sa lakas ng langitngit ng gulong na pwersahang tumigil sa sementadong daan.
Hindi rin niya pansin ang malaking palad nitong nakalapat sa kanyang dibdib, na halos sinakop na ang harapang dibdib niya, ng tangkain nitong pigilan siyang masubsob sa dashboard.
Sapo ang ulo na parang lumutang sa kabiglaan at kaba, mabilis ang kanyang paghinga at nakatitig sa daan, hinahanap ng kanyang mga malalaking mga mata ang rason ng biglang pagtigil nito.
"Anong sinabi mo!?"
Naningkit si Aliyah ng napagtantong walang rason para biglang apakan nito ang preno na halos ikahiwalay ng kaluluwa niya sa katawan. At lalong kumulo ang kanyang mga dugo ng napantanto nitong nakahawak sa dibdib nito si Zeus. Lumipad ang mga kanyang paningin pababa sa kanyang dibdib kung saan ang ang mainit na palad ng amo nakalapat sa isang dibdib niya.
"Anong sinabi mo?" pag-uulit ni Zeus sa tanong, medyo bumaba na ang boses nito at parang napapaso ang kamay na binawi nito pabalik sa manibela.
"Bakit bigla kang nagpreno?" galit na asik ni Aliyah at nanggigil na pinaningkitan ng kanyang mga mata ang gwapong kabayong nasa harapan niya.
Hindi man lang ito natinag sa galit na nakabadya sa kanyang mukha.
At hindi rin nabawasan ang inis na nakalarawan sa kanyang gwapong mukha, kahit halos kainin na ni Aliyah siya ng buo.
"You called me kabayo! Kahit kailan, wala kang respeto sa akin!" inis na sabi ng binata, inignora nito ang galit ng dalaga.
"Pasensya na po, Ser. Hindi na po mauulit," nakalapat ngiping sagot niya.
"Kita mo, nakapakasarmo mo pa!" pumihit pa ito para maharap siya, saka ang kamay lumipad pa sa kanyang direksyon.
Kita ni Aliyah na mas lalong naasar ito sa kanyang tono na sinadya niyang maging tunog ng kanyang yaya.
"Eh, Ser. Anong gusto mong mangyari? Ako na nga ang nagpakumbaba, ano pa bang gusto mo?" lalong nang-iinis na sabi ni Aliyah at nakita nito ang pagtalim ng titig ng amo.
Tahimik na pinakatitigan siya ng among kabayo, ngunit sinalubong ito ni Aliyah. Hindi siya ang tipong nasisindak sa stare down na binigay ng amo.
She used to do that, staring down at someone, intimidating them.
"Eh, Ser, ako na nga ang halos mapanawan ng ulirat sa biglang pagpreno mo, nakatsansing kapa, ikaw pa ang galit? Diba, unfair lang din?" pang-iinis parin nito. Gamit parin ang tono ng kanyang yaya, at lalong namula ang mukha ni Zeus.
Alam nitong nananadya ang dalaga at she's successful at goading him.
Pinigilan nitong abutin ang makinis nitong leeg at pilipitin.
"I was trying to save you from smashing your pretty nose against the dashboard!" nanggigigil na paliwanag ni Zeus, at naramdaman na naman nito ang pagdaloy ng init pababa sa pagitan ng kanyang hita ng maalala nito kung gaano kalambot ang dibdib nito.
Hindi naging sagabal ang manipis na pang-itaas niya na tumatakip sa dibdib nitong halos pumuno sa kanyang malaking palad.
"Ser, di sana ako mangungudngod kung hindi ka biglang nagpreno. Aba, Ser, ako pa dapat magpasalamat, ganun?" pagpapatuloy ni Aliyah at hindi nakawala sa pansin ni Zeus ang pag-ikot ng mga mata nito.
"Just a little respect, Aliyah. I'm still your boss," mahinahong saad niya.
Sa pupuntahan nila, everyone knew him as the cold, distant Monte Carlo. Ayaw niyang sirain iyon ni Aliyah when they got to the MC Mall.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...