Aliyah POV
MAGKASALUBONG ang mga makakapal na kilay ng kanyang amo ng matapos niyang magshopping. Dalawang kamay nitong bitbit ang magkakaibang kulay, laki, at bigat ng shopping bags na naglakad ang dalawa pabalik sa sasakyan ni Zeus.
Mag-aalas singko na ng hapon at wala pa silang kain ng tanghalian. Kaya't siguro nakabusangot ang kanyang amo, dagdag pang lahat yata ng shop sa loob ng mall, dinaanan ni Aliyah.
Wala naman siyang balak na magshopping ng marami, nainis lang siya sa hindi niya malamang kadahilanan.
Nope, alam niya ang dahilan.
Pinaasa siya ng kabayo.
Hinalikan siya sa elevator at nasaksihan niyan sa kanyang mga mata ang damdaming tumutugma sa kanyang nararamdaman ng oras na iyon. At, napatunayan niyang enamored sa kanya ang amo dahil hindi rin nito binibitawan ang kanyang kamay habang tumitingin siya sa mga displays.
Akalain mong ipapabayad din pala niya ang mga bibilhin niya?
Umasa siyang dahil feeling niya, boyfriend na sila kahit walang verbal confirmation, he though acted like one, so umasa naman siya.
As a boyfriend at pag-aari ang mall, akala niya, free lang.
So she got pissed off, kaya hayan. Sa galit niya, lahat ng store, pinuntahan niya, at wala namang verbal complaint na galing sa kanya, other than non-verbal cues such as grunting, growling under his breath, hissing, at narrowing of his eyes.
Lahat ng iyon, inignora niya.
Since wala namang interest, she might as well enjoy shopping at and intensyon niyang magbitbit ito ng sandamakmak na shopping bag, she had successfully accomplished.
But as they got into the elevator, at nakatitig siya sa mga pinamili niya, she suddenly regretted her impulsiveness.
Kaya siya lagi napapahamak.
"Kulang ang isang taon na mabayaran mo ang utang mo," nakataas ang isang kilay ni Zeus sa kanya.
Marahas na huminga ng malalim si Aliyah at parang nahahapong sinalubong nito ang titig ng binata.
"Wala namang interest, might as well shot till you drop. Hindi ko alam kung kailan ulit ako makakabalik dito," wala sa sariling sabi niya just to justify her impulsive action.
Umiling-iling ang kanyang among kabayo. "Paano yan, kailangan mong magsipag, baka taasan kita ng sahod," nang-aasar na sabi nito at umikot ang mga mata ni Aliyah.
"Basta bayaran mo ang overtime ko kung over eight hours na akong nagtatrabaho," nakataas kilay na sabi nito sa binata at napatawa ang amo niya sabay iling.
"Depende kung ang trabaho mo ay tama," sabi nito sa naghahamong tono.
Tumigas naman ang likod ni Aliyah sa narinig. "At kung hinde?" naghahamong pabalik niyang tanong.
Ngumisi ang binata. "Then I may have to cut down your salary. Instead the minimum per hour, kalahati ng minimum ang bayad," sabi nito sa nakakalokong tono at tuwid na tuwid ang pagkakatayo ni Aliyah at naningkit ang kanyang mga mata sa narinig.
"Anong tamang trabaho ang pinagsasabi mo? Of course sa una, nangangapa pa ako, pero I'm a quick learner!" bwisit na bwisit na sagot ng dalaga.
"We'll see," balewalang sagot ng binata at bago pa man makasagot muli ang dalaga, tumunog ang elevator at tumigil ito sa basement.
Hinahawakan ni Aliyah ang door ng elevator habang inaantay ang amo na kandahirap na abuting ang lahat ng shopping bags.
"Ano bang mga pinamili mo, at buong closet yata!" inis na sambit ni Zeus na nilampasan nito si Aliyah na ngising-ngisi.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...