MAGDIDILIM na kasabay ng pagdidilim ng kanyang paningin. Kanina pa siya nakaupo sa rattang upuan, inip na inip na siyang naghihintay.
At lalong nagtatagis ang bagang niya sa nalamang si Aliyah Santibañez na nagkukunwang pamangkin ni Aling Bebang, ay ang nag-iisa palang tagapagmana ng malaking telecom company sa Maynila.
Isang tawag lang niya sa kanyang kaibigan na isang computer analyst, at magaling sa paghacking ng mga accounts ang nagkumpirma sa pagkatao nito.
At galing narin sa bibig ng kanyang tiya, na pala'y yaya niya.
Ang nag-iisang tagapagmana ng Santibañez Media and Telecom Company. Halos lahat ng TV station sa buong Pilipinas, pwera sa Monte Carlo na hindi saklaw ng sistema ng Pilipinas, ay may malaking share ng Santibañez. Isang old money, at lalong lumawak ito ng hawakan ng ama ni Aliyah.
Ngayon, malinaw na sa kanya kung bakit wala itong kaalam-alam sa trabaho.
Isa itong socialite, party animal, at spoiled heiress.
Sa dami ng nakuhang mga larawang pilit na itinatago ng mga magulang nito, lalo nakumpirma ni Zeus na hindi nito kilala ang tunay na anyo ng dalaga.
One thing he hated most, ay pagsisinungaling, and she made a fool out of him.
But then, he still wants to hear her story, kahit na nakita na niya, nabasa na sa mga pahayagang pilit na patayin at itinago ng mga magulang nito ang katotohanan.
He should stay away, but he couldn't.
And there's his father, the scandal he got himself into.
Parang mababaliw na siya sa kakaisip.
And there's the anniversary na kailangan nilang ipinagliban dahil wala ang amang magbubukas sa okasyon. And he has to temporarily step in into his father's shoes as the Chairman of the MC Corporations.
Ang Ares finally decided to fill in his shoes habang siya ang mamumuno sa lahat ng business ng kanilang pamilya, lahat ng bagong investments niya, and future ventures.
He hated corporate offices, but he has to cover his dad's seat until fully recuperated ito.
But before he start his new role, kailangan niya munang malinawan ang pang pusong problema niya.
Halos dalawang oras na siyang nakaupo at malamig narin ang kapeng binigay ni Aling Bebang, pinikit narin niya ang kanyang mga mata hanggang sa makauwi ito, ngunit ang kanyang isip, hindi mapakali.
Langitngit ng pintuan ang kumuha ng kanyang buong atensyon. Agad siyang napaupo ng tuwid at madilim ang mga matang nakatitig sa likuran ang dalaga.
Sabi ni Aling Bebang uuwi na iyon, mag-alas kwatro siya nakarating galing ng ospital only to wait ng halos dalawa't kalahating oras. At kaninang umaga pa raw ito umalis.
"Where have you been?!" galit na singhal niya habang isinasara nito ang pintuan. Malakas na hangin ang sumalubong sa mukha niya ng mabuksan ito.
Biglang napaikot ito sa gulat, ang kamay pa nito lumipad sa dibdib.
"Anong ginagawa mo rito? Hindi ko nakita ang sasakyan mo ah?" sabi nito at hindi sinagot ang kanyang tanong.
Isinara nito ang bintanang nakabukas at pinapanood nito siya habang hinihintay ang sagot sa tanong niya.
Nang humarap ito sa kanya, he noticed her puffy eyes. Napuno ang dibdib niya ng simpatya.
Ngunit nawala ang simpatyang iyon ng ibinuka nito ang kanyang mga labi.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
