Chapter 44: Konklusyon

3.9K 93 5
                                    

Norther Olympus White Mansion, Monte Carlo

                A WEEK later...

"Ang ganda!" bulala ng kanyang ina na nasa tabi niya. Pare-pareho silang lahat na nakatitig sa bungad ng mansyon. Lahat sila'y nakatingala upang makita ang taas nito. Kahit gabi, at dahil sa liwanag na nagmumula sa buwan, kitan-kita ang puting-puti na harapan ng mansyon. 

Ang malaking pintuan sa harapan ay nakabukas sa mga bisitang kararating. Hindi nila alintana ang mga taong lumampas sa kanila habang humahangang inilalayag nila ang kanilang paningin. 

Kanina, sa loob ng kanilang sasakyan, habang pataas na binabagtas ng kanilang driver ang daan, pataas ng pataas, lalo rin siyang naexcite. Ang isip na makikita niya ang buong Monte Carlo mula rito sa mansyon, dahil nasa kataas-taasang talampas ito. 

At mula sa likuran ng mansyon ay makikita ang Pacific Ocean kasugpong ng Philippine sea. 

Kahit gaano kalayo ang nilakbay nila, napawi lahat ng iyon ng papalapit na sila sa mansyon. 

Natutuwa siyang panoorin ang kapaligiran habang dinadaanan ito ng kanilang sasakyan.

Napakahaba at paliku-liko ang daraanan bago makarating sa bungad, at nagenjoy naman siyang panoorin ang nagtataasang puno na ang mga sanga at makakapal na dahon ay parang yumuyuko sa mga sasakyang dumaraan. 

Ang now, standing in front of the intimidating mansyon, she can't believe something like this exists in the Philippines. Parang sa pelikula lang yata niya nakikita ito. Naglalakihang haligi ang nakapalibot sa istraktura ng mansyon at may mga nakaukit ring parang Conrinthian sa itaas ng haligi, nagmumula sa Griyegong arkitektura. 

Napakahaba ang mansyon, at napakalaki. She is sure it can housed thousands of guests. Baka nga may over 300 rooms ito sa sobrang laki. 

At napapaligiran ng mga naggandahang bulaklak na sa ibang bansa mo rin makikita, at mga iba't-ibang puno ng mga prutas na maselang pinanatili ang taas. 

At nagkalat rin ang mga mukhang mamahalin at antigong mga lamp post. The mansion's facade was like stars shining through the night. May mga maliit na mga ilaw na nakapaligid sa harapang dingding ng mansyon, at parang munting bituing kumikislap. 

"Let's go," anang daddy niya at ang paghawak nito sa kanyang siko. Nakaramdam narin siya ng lamig, kaya't hinayaan siyang ginabayan ng ama, habang abala naman siya sa pagtaas ng palda ng kanyang dress na pinagawa ng mommy niya sa kaibigan nitong designer. 

It is a sleek, sparkly dress na parang galaxy sa gabi ang design. Hakab ang dibdib ng harapan at may mahabang hiwa sa harapan, at kung magkakamali siya ng pagbuka ng mga binti, makikita ang hindi dapat makita. Mahaba ito at ang kanyang likuran ay hantad, criss-cross na parang corset ang style, at humakad sa kanyang katawan ang tela na parang pangalawang balat niya. Lalo pa't tumaba siya ng konti, ngunit maliit pa naman ang kanyang beywang at tiyan. At ang lumaki ay ang kanyang dibdib. Kahit ang puwitan niya, pakiramdam niya, humahabol kay Jennifer Lopez. 

The sleek dress that hugged her frame suited her well. Hindi rin napigilan ng designer na mapahanga sa ganda niya after she tried it on the dress. 

Natatakpan ngayon ng long trench coat ang kanyang damit, dahil maginaw na sa gabi. It's almost Christmas. 

Bago pa man sila makaakyat sa sementong hagdanan, nakakasabayan nila ang mga bagong dating na mga bisita at base sa mga itsura ng mga ito, alam ni Aliyah na matataas na mga tao ang mga ito, malapit sa pinto, nakita niya ang daddy ni Zeus na nasa wheelchair at mukhang sila ang hinihintay. 

Tinapos nito ang pakikipag-usap sa tatlong lalake at dalawang ginang at saka inutusan nito ang dalagang nasa likuran niya na nakadamit pang okasyon din.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon