Chapter 24: Past

4.1K 103 6
                                        

Humahagibis siyang nagmaneho papuntang Montehujer (Mon-te-yu-her) Provincial hospital, na dating pag-aari ng mga Montejuher back in the 70s (ngayo'y with shared holders), at hindi niya alam kung papanong nakarating duon ng hindi nadisgrasya.

Kumakabog ang kanyang dibdib habang lulan ng kanyang sports car na pula, hindi niya pansin kung gaano na siya kabilis, halos nakikipagkarera na.

Buti nalang maghahating gabi na ito at wala ng masyadong katao-tao o sasakyan sa daan, kayat ang malakas na huni ng kayang sasakyan ang pumuno sa tahimik na daan.

He may hated his father, but he is still his father, and he loved him. At walang anak, kahit na masama ang magulang na gustuhin mamatay ito.

He raised them all nang wala ang mommy nila, in his own way; ruthless ways. Maybe it's not the way they wish it would be, hindi niya naman sila ginutom or iniwanan.

Nagmamadali siyang nagparke sa espasyong unang nakita niya sa malaking parking lot ng apat na palapag na ospital na nasa bayan ng San Vicente. Ang pinakasentro ng Monte Carlo.

Nagmamadaling dumiretso siya sa information area at ng makilala siya ng receptionist, agad nitong sinabi kung nasaan ang kanyang ama bago pa man niya maibuka ang kanyang bibig.

Nagmamadali siya sa ICU sa pangatlong palapag.

Nasa labas ng ICU and isa sa nag-alaga sa kanila na siya ring nangunguna sa pangangasiwa sa mansyon ng kanilang pamilya, si Nanay Doring.

Nasa edad otsenta na ito, ngunit malakas parin ito. Siya rin ang katulong ng lola niya sa ama na nag-alaga kay Don fabricio nung bata pa ito.

Kasama nito ang isa rin nilang katulong sa mansyon na si Cecilia, dalaga ito at malayong kamag-anak ni Nanay Doring.

"O Zeus," mabilis itong tumayo mula sa pagkakaupo at saka siya sinalubong. Maluha-luha ang matanda na binati siya at parang nakahinga ng maluwag pagkakakita sa kanya.

Lalong tumanda ito sa kanyang tingin.

"Mabuti naman at nandito ka. Tinawagan ko rin ang mga iba mong kapatid. Darating narin sila," mabilis nitong paliwanag.

"Kuya," sambit ni Cecilia saka nahihiyang iniwas ang tingin.

Niyakap niya ang matanda at tinanguan lang ang nahihiyang si Cecilia.

"Si Ares, lumabas lang sandali para bumili ng tubig," anang ni Nanay Doring.

"Kailan siya dumating?" tanong niya at biglang pumasok sa isipan nito na baka ang kapatid niya ang rason ng pag-atake ng kanilang ama.

May ugali itong si Ares na laging nakakapagpataas ng dugo ng kanilang ama though it was obvious he favoured him more than anyone sa kanila, dahil narin siguro siya ang bunso.

"Nung isang araw," sagot ni Nanay Doring.

Tumango-tango siya.

Mayamaya'y, "anong nangyari?" tanong niya ng maghiwalay sila saka niya iginiya ito pabalik sa kinauupuan niya kanina at umupo sa katabi nitong silya.

Nakapinid ang seradura ng ICU ng napadaan ang mga mata niya rito.

"Hindi namin alam kung ano talagang nangyari. Narinig lang namin ang pagtatalo ni Ares at ng daddy mo, saka sumunod ang pag-sigaw ni Ares ng tulong," paliwanag ni Nanay Doring.

Biglang tumaas ang dugo ni Zeus sa narinig, at kumuyom ang kanyang mga kamao. Gusto niyang hambalusin ang kanyang kapatid sa ulo, ilubog sa tubig hanggang sa magkaisip at umakto ng sa edad niya.

"At ano na naman ang pinag-awayan nila, Nanay?" tanong niya sa pigil na pigil na tono.

Tumigas ang kanyang mga panga habang nakatitig sa pasilyo ng ospital kung saan siya nanggaling, inaabangan ang pagsulpot ng kapatid. Nagdidilim lalo ang kanyang paningin.

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon