"Ayan. Okay na!" sabi ng kaibigan niyang si Archie, ang ngiti'y puno ng kasiyahan. Nakikita sa mukha nito ang pagmamahal sa trabaho. Tinapik pa nito nito ng marahan ang katawan ng batang kabayo pagkatapos nitong indeksyonan ng pangtetano.
"Makahinga kana ng maluwag ngayong nabigyan ko na sila ng tetanus antitoxin," dagdag nito sabay tingin kay Ivan habang ang nililigpit din nito ang mga gamit.
Wala sa sariling napatango lang si Ivan habang tagos ang titig nito sa bagong silang na kabayo.
Napansin naman ni Archie ang kakatwang reaksyon ng kaibigan niya. Kakaiba siya sa araw na ito kumpara sa mga araw na kasama nila ito. Pagdating sa mga kabayo ni Ivan, wala ng sisigla sa kanya.
"Penny for your thought?" tanong ni Archie na ikinabalik ng tingin ni Ivan sa kaibigan.
"Nothing!" agad na sagot ni Ivan na ikinataas ng isang kilay ng kaibigan nitong beterinaryo.
Nagpakawala ng isang eksaheradong tawa si Archie.
"You haven't said very much since I arrived?" hindi ito patanong, bagkus ito'y pahayag.
"There's nothing to say, Arch," tumalim ang tinig ni Ivan ng hindi nito napapansin. Lalong ngumiti ng nakakaloko si Archie.
Hinarap nito ang kaibigan. Hindi ito natinag sa malamig na titig na binigay ni Ivan. Matagal na silang magkaibigan para hindi ito kilala ni Archie.
"You were not like this even after Carla left," may bahid akusasyong saad ni Archie. "You look bothered," dagdag pa nito na ikinairita ni Ivan lalo.
Malalaki ang paghinga ni Ivan na para bang dito siya kumukuha ng pasensya.
"It's nothing, Archie!" asik ni Ivan at tinapunan nito ng matalim na titig ang kaibigang ngingiti-ngiti.
"Alright!" pagsurender naman nito ng mapansing walang planong magkwento ang kaibigan.
Umalis sa kwadra ng bagong panganak na kabayo si Ivan at nagtuloy sa malapit na lalagyan ng mga tuyong dayami at kumuha ito ng malaking kumpol saka ulit bumalik sa kwadra at dinagdagan ang dayaming sinadyang tulugan ng kabayo. Sa kanyang pagtayo at pag-ikot pagkatapos nitong maisagawa ang paglalagay ng dayami, di sinasadyang natabig nito ang baldeng may laman ng maruming tubig na nakasabit sa gilid at natapon ito. Gulat man, napaatras si Ivan upang iwasan ang tubig na tumilamsik ngunit huli na ito. Basa ang damit nito at nangangamoy kabayo.
"Shit!" Malakas nitong mura sabay pagpag ng basang pang-itaas nito.
Nang tingnan niya si Archie, ngingisi-ngisi ito.
"You saw that coming, did you?" iritadong tanong nito na ikinangisi lalo ng kaibigan.
Walang nagawa si Ivan kung hindi ang umiling at saka nito iniwan ang kaibigang siyang-siya sa pang-aasar rito.
"So kailan mo ulit paunlakan ang imbitasyon naming magbar sa ibayo? Nakakamiss kahit papano ang presensya mo," nakasunod na tanong ni Archie.
"Wala na akong panahon sa ganyan," balewalang sagot ni Ivan.
Ang kanyang isip lumilipad muli sa bago niyang katulong. Bata pa ito kung tutuusin ngunit sa hindi niya malamang kadahilanan, nagsusumiksik sa isip nito ang dalaga.
Naiirita siya sa pagsagot-sagot nito sa kanya. At ayaw nitong isipin na mangyayari na naman ang nangyari sa kanya dalawang taon na ang nakalilipas.
Ganun na ganun si Carla nuon. Kaya nga nahulog ang loob nito sa dalaga dahil hindi nito alintana ang istasyon niya sa buhay, at kung sino siya. Balewala rito na isa siyang Monte Carlo.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
