NAKANGITING nakatingin sa kanya ang lalakeng may kaliitan, maitim ngunit mamaskulado ang katawan dahil narin siguro sa mabibigat nitong trabaho.
Magkaedad lang yata sila ng kanyang yaya.
Ito raw ay si Mang Dolfo, ang pinakamataas daw sa mga trabahador ng farm. Siya daw ang pinagkakatiwalaan ng may-ari na nagpapasok ng mga tauhan.
Ibinaling nito ang tingin sa yaya niya. "Napakaganda pala ng alaga mo, Bebang," nakangising komento nito at lumabas ang mga ngipin nitong kasingkulay ng kuko nito sa paa. Nakatsinelas lang kasi ito at mahihiya ang mga kuko ng kalabaw na nasa tabi nito habang paminsan-minsan nitong tinapik-tapik ang katawan ng hayop.
Umasim ang mukha ng kanyang yaya sa tinuran nito.
Tumawa si Mang Dolfo ng makita nito ang paglukot ng mukha ng yaya niya.
"Hindi ko pinagnanasahan ang alaga mo kung yan ang iniisip mo, Bebang," agad nitong pagtatama sa iniisip ng yaya niya.
Medyo naginhawaan naman si Aliyah kahit na iba parin makatingin ang matanda sa kanya.
Pagkatapos nitong itali ang kalabaw sa puno sa likod ng bahay niya, iginiya niya sila sa loob nv bahay nito.
Ipinagtimpla sila ng asawa nito ng kape. Ilay ang pangalan ng asawa nito.
"Pero sabi ko nga, puno na ang listahan. Naabot na namin ang kota ng bilang ng trabahador na kailangan," pagpapaumanhin ng matanda.
Napabuntung-hininga ang yaya niya. Naiinis man, hindi naman siya maka-angal. Wala siyang kakilala rito at lalong hindi niya kabisado ang lugar.
"Kahit anong trabaho nalang, Dolfo. Kailangan talaga namin," pagsusumamo ng yaya niya.
"Darating bukas si boss, tingnan ko kung pwede ko siyang mapakiusapan na idagdag ka... kayo," sabi nito sabay tingin kay Aliyah saka ngumiti.
"Sige, salamat ulit," sabi ng yaya niya saka ito tumayo na.
KINABUKASAN, dumating ang yaya niya na may malapad na ngiti. Taas kilay na tumayo si Aliyah mula sa pagkakaupo mula sa rattan na sofa saka maasim ang mukhang sinalubong ang yaya niya na kakapasok lang mula sa pintuan galing sa kusina.
"May trabaho na tayo!" malakas nitong sabi na ikinanganga ni Aliyah.
"Sa farm na iyon?" utas nito ng may pagkadisgusto.
Inignora naman ng yaya nito ang klase ng kanyang tono.
"Oo! At bukas na tayo mag-umpisa," masayang balita nito.
Napabalik naman siya sa kanyang kinauupuan kanina at ibinagsak ang puwitan sa upuan at napahiyaw siya bigla ng tumalbog ang puwitan nito sa matigas na rattan.
Natawa lang ang yaya nito.
"Hindi ako magtatrabaho duon, yaya. Never!" matigas na pagtanggi ni Aliyah habang panay ang pagngiwi nito at minasa-masahe ang nasaktang pang-upo.
Sa oras na iyon, gusto niyang murahin ang magulang nito. Wala na nga silang oras sa kanya, nagawa pa nila siyang ilayo.
Nakita naman ng yaya nito ang paglamlam ng kanyang mga mata at parang ma-iiyak na siya.
Nilapitan siya saka niyakap ng kanyang yaya. "Pansamantala lang ito, Aliyah. Uuwi rin tayo sa inyo," pag-aalo nito sa kanya.
Alam ni Aliyah na hindi sang-ayon ang kanyang yaya sa pagpapadala ng kanyang magulang sa kanya sa kanilang lugar ngunit wala itong magawa. Nagpapasalamat nalang si Aliyah na hindi siya nito iniwan. Kung tutuusin nga, matanda na siya at alam niyang makakahanap agad ng trabaho rito ang kanyang yaya, mapapalapit pa siya sa kanyang pamilya, ngunit heto't nagpapakahirap dahil lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)
RomanceSi Ivanzeus Miguel ang unang tagapagmana ng matandang Don Fabricio Miguel. Isa sa pinakamatandang pamilyang pinakamayaman sa Pilipinas kundi man sa buong Asya o mundo. Silang makakapatid ang tinaguriang prinsipe ng Asya. Halos buong Monte Carlo ay p...
