Chapter 17: Sanctuary

2.9K 93 3
                                    

Aliyah's POV

Hindi maalis ni Aliyah ang titig sa kapaligiran. Ang malamig na simoy ng preskong hangin, ang huni ng ibon at mga iba't-ibang insektos, at ang dahon at sanga ng mga puno —na nagtatago sa hindi kalakihang cabin na gawa sa kahoy, at napipinturahan din ito ng berde, at humalo sa berdeng kapaligiran— na sumasayaw sa ritmo ng hangin.

Kaya't paniguradong hindi mapapansin ng mga nasa himpapawid na may bahay sa gitna ng gubat.

May mga nagkalat na puno ng mangga, abukado, lukban, at karamihan niyugan.

It's a sanctuary. At ito ang buhay na papangarapin ng mga taong nagsawa na sa kaguluhan sa Maynila. Trapiko at maduming hangin.

Buhay na ngayon ay hindi niya inaasahan o inisip ma mapapahalagahan niya.

Simpleng buhay, pero puno ng pagmamahal at tunay na kaligayahan. Puno ng kapayapaan.

Huminga siya ng malalim at pinuno ang baga ng masarap at preskong hangin na nahahaluan ng amoy ng mga punong nagkalat sa paligid at ang amoy ng damo.

Habang inaantay niya si Zeus pabalik, inenjoy naman niya ang katahimikan ng paligid, at tanging ingay ng kalikasan.

Naunang pumasok sa loob ng cabin ang kanyang katipan upang ilagay daw ang pagkain sa ref at sila nama'y maligo sa hot spring daw di kalayuan sa cabin.

At mula nga sa kanyang kinatatayuan, naririnig niya ang lagaslas ng tubig.

Naisipan niyang mahiga sa damo, at nakangiting tumitig siya sa prutas ng lukban, habang ang kanyang isip ay naglalakbay.

Hindi parin siya makapaniwala na mag-eenjoy siya sa pagpunta rito sa Monte Carlo. Wala sa hinagap niya na matututong magmahal ang kanyang batong puso.

Ilan na bang lalaki ang nagparamdam, ang nagtangkang makuha ang kanyang atensyon, ang gustong maging katipan siya, ngunit walang nagtagumpay sa mga ito.

Hindi naman sila kalayuan hitsura ang pag-uusapan, sa estado sa buhay, sa taglay na karisma kung kanyang iisipin.

Ang rason niya dati, ayaw niya ng relasyon or mag-asawa at magiging katulad lang ng mga magulang niya ang kahihinatnan.

Hindi niya alam kung mahal ng magulang niya ang isa't-isa dahil wala naman siyang natatandaang nagpakita ng pagmamahal sa pagitan nila ng mommy at daddy niya.

Laging nasa trabaho ang dalawa, pera ang laging usapan, ang kanilang kompanya, at organisasyon na pinamumunuan ng kanyang ina, o mga pagtitipon na gaganapin ng mga elitistang kaibigan.

Walang oras sa isa't-isa at nagtataka siya, minsan naisip niya, mayroong kayang babae o lalake ang mga magulang niya na hindi niya alam?

Inililihim sa publiko?

Ang mga magulang niya ay masyadong inaalala ang kanilang reputasyon. Mas mahalaga pa ito kaysa sa kanya.

Lahat ginawa niya para mapansin ng mga ito.

Halos linggo linggo, pinagpipyestahan siya ng mga peryodiko, ngunit lalo lang lumalayo ang loob ng mga magulang niya rito. Mas pinahalagahan nila na maitago ang mga nagawa niyang iskandalo kaysa pag-aksayahan siya ng panahon upang alamin bakit siya nagkakaganito.

At dahil pamilya nila ang may-ari ng pinakamalaking media sa bansa, it was easy for them to stop the spreading of the scandal brought by her, madali lang nilang salain ang paglaganap ng anumang isyu hinggil sa kanya.

And the worst thing she had ever done, she thought they would finally give her time and find the truth, but instead, pinadala siya rito sa Monte Carlo.

Nawala ang kanyang mga ngiti at napuno ng kalungkutan ang kanyang puso. Naisip na naman niya, di kaya adopted lang siya?

Antagonizing Mr. Thunder (Monte Carlo Saga)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon